Abante Tonite Interactive

Young actor super dyug sa mga agresibong babae

By
10,321

Usapang kaelyahan ang pitik-bulag nga­yong araw na ito tungkol sa isang young actor. Si batang aktor ay guwapo, malakas ang sex appeal at habulin talaga ng mga babae.

Mula kasi nang ma-develop ang kanyang katawan at lumutang ang kakisigan ay na­ging katakam-takam ito. Kapag tiningnan mo ang katawan niya ay kanin na lang ang kulang at may ulam ka na.

Tunay nga naman kasing binayayaan si aktor ng mala-Adonis na imahe na puwedeng sambahin ng mga babae at bading na gusto ng ikapitong glorya.

Dahil dito, lalong dumami ang mga nag­nanasa kay young actor. Marami nga ang mga nasa ikatlong lahi na gusto siyang maka-sex pero wala sa bokabularyo niya ang pumatol kapalit ng malaking halaga.

Pero iba pagdating sa babae. Sa dami ng mga nagpapantasyang mga magaganda at seksing babae sa kanya ay hindi maiwasan ni young actor na matukso. ­Siyempre pa, bilang lalaki ay hindi niya pinalalampas na maka-sex ang mga girlalu na agresibo na makasi­ping siya.

Dala na rin ng kabataan niya ay nasa kainitan pa ang kaniyang libido kaya sagana ngayon sa sex ang young actor. As in kasagsagan ng kaniyang kaelyahan. Dapat lang ay mag-ingat siya lalo na kapag may nakatipo sa kaniya na hindi niya kilala. Hindi lang kasi basta sarap ang puwedeng ibigay ng isang san­daling kaligayahan. (Rodel Fernando)