Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young actor suplado sa probinsya

0 117

Dating tinitilian at kinakikiligan ng mga kabataan sa isang malayong probinsiya sa Norte ang isang guwapong young singer-actor. Talagang kilig na kilig ang mga bagets sa kanyang itsura.

Totoo namang walang mali sa mukha ng singer-actor, napakaguwapo niya, kaya naman sumikat siya at ang kanyang ka-loveteam.

Pero ngayon ay wala nang pakialam ang mga faney niya sa nasabing probinsiya, magpagulung-gulong man siya ngayon sa kalye ay wala nang papansin pa sa kanya, wala na siyang dating sa mga tagaroon.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo ba kung bakit? Nu’ng huli kasi siyang mag-show sa place na ‘yun, e, napakaramng nainis sa kanya! Suplado raw ang guwapong singer-actor, mayabang!

“Siya ang pinakaposte ng show, pinakabida, pang-finale siya. Ayaw niyang bumaba sa kanyang van, naghintay lang siya nang ilang oras du’n hanggang sa tawagin na siya para mag-perform.

“Pero meron siyang ibinilin sa mga tanod, kailangang dikit na dikit sa stage ang van kapag bumaba na siya!” unang sultada ng aming impormante.

Hindi kumain ang guwapong singer-actor sa bahay na kinainan ng kanyang mga kasamahan, dinala na lang ng kanyang alalay ang food sa van, never siyang nakita ng mga nag-aabang na makipag-selfie sa kanya.

Patuloy ng aming source, “Suplado talaga ang male personality na ‘yun! Kahit sa mall kapag nakikita siya ng mga fans, e, wala siyang pakialam! Kahit mamaos na ang fans sa pagtawag sa kanya, e, ni hindi man lang siya lumilingon!

“Ganu’n siya ka-believe sa sarili niya! Parang sumikat siya na walang tulong ng mga faney niya! Kahit sabihan pa siya ng PA niya na kawayan niya naman ang mga fans, wala siyang naririnig!

“Basta, wala lang siyang pakialam, ganu’n lang!” kuwento pa rin ng aming source.

Ano na ang nangyari sa career ng guwapong singer-actor, nararamdaman pa ba siya, nasa gitna pa rin ba siya ng aksiyon?

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Waley na! Para ngang kailangan na niyang bumalik sa bansang pinanggalingan niya dahil wala nang interesado sa kanya! ‘Yun ang napala niya sa kasupladuhan niya!

“’Yun ang naging balik sa kanya ng kayabangan niya! Red, white and blue, ano ang paborito n’yong kulay?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Jinkee bala sa kandidatura ni Pacman

Lumabas sa social media ang larawan ng Pambansang Kamao na kumakain nang nakakamay. Hindi krimen ang kumain nang walang kubyertos, pero iba ang napansin ng mga bashers sa kanyang ginawa, preparasyon daw sa parating na halalan ang mga ginagawa ni Senador Manny Pacquiao.

Ang kanyang misis na si Jinkee Pacquaio ay binibira pa rin hanggang ngayon sa social media dahil sa pagyayabang nito sa kanyang mga kagamitang branded.

Kung bakit naman kasi parang may kabal (walang pakiramdam) ang misis ni Pacman na pinupupog na nga sa kawalan nito ng tiyempo sa paglalantad ng kanyang mga ginagamit na branded na milyones ang halaga ay sige pa rin nang sige ngayong panahon ng pandemya.

Ipinagtanggol ng boksingero-pulitiko ang kanyang misis, mukhang mamahalin lang daw ang mga isinusuot ni Jinkee pero mura lang naman, walang naniwala sa depensa ng Pambansang Kamao at isang tanong lang ang lumulutang sa kanyang depensa—mamatey?

Sa totoo lang, malaking balakid sa pagkandidato ni Pacman ang kanyang misis kung itutuloy niya ang pakikipagsalpukan sa panguluhan, magiging bala laban sa Pambansang Kamao ang kanyang misis na parang hindi tinatablan ng mga pagpuna.

Binibigyan pa nga ng mga kababayan natin ng panahon para mag-isip si Senador Manny, mahaba-haba pa rin naman daw ang oras para sa pagsusumite ng COC, ngayon pa lang sana ay magdesisyon na si Pacman na umurong sa laban.

Kumanan at kumaliwa ang mag-asawang ito ay pinapansin sila, para silang tumutulay sa alambre, lalo na si Gng. Jinkee Pacquiao na nang magsabog ng kaangasan ang papawirin ay nagtanggal ng bubong ng kanilang bahay para makasambot ito nang sobra-sobra.

Leave A Reply

Your email address will not be published.