Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young actress daks ang dyowa

0 163

Maraming nagkokomento na sana’y maging maayos ang relasyon ng isang guwapong male personality at ng isang young actress na maligalig kapag nakipagrelasyon.

Ilang beses nang nagkakaroon ng boyfriend ang young actress, maganda ang daloy ng kanilang relasyon sa una, pero biglang umaasim kapag bandang huli na.

Kuwento ng aming source, “Lukring din ang babaeng ‘yun, e! Sabi nga ng mga dati niyang nakakasama sa trabaho, mahirap ding ispilengin ang ugali niya!

“May isa pa ngang nagsabi na basta kulot daw, e, asahan nang iba ang takbo ng utak! Maligalig kasi siya kapag nakipagrelasyon! Marami siyang kuda na siya lang ang nakakaintindi!” unang hirit ng aming impormante.

Hindi naging maayos ang hiwalayan nila ng dalawang male personalities na matagal din niyang nakarelasyon. Nagulat na lang ang mga ito nang maglabas ng kung anu-anong kuwento ang babae.

Patuloy ng aming source, “Nagpakakontrobersiyal ang girl! Marami siyang kuwento tungkol sa ex niyang young actor! Nakakaloka ang mga revelation niya, may pisikalan kunong nangyari sa kanila!

“’Yung isa naman, bigla na lang daw siyang iniwasan! Marami rin siyang kuwento tungkol sa guy, buti na lang at hindi siya pinatulan sa kudaan!

“Suwerte pa rin siya, hindi sumagot ang mga lalaking ipinahiya niya, pinalampas na lang ang kalukringan niya!” natatawang komento ng aming source.

Pero mukhang tahimik ngayon ang girl, wala tayong naririnig na kahit ano sa pakikipagrelasyon niya sa isang guwapong male personality, mukhang maligayang-maligaya siya ngayon?

Komento ng aming source, “Ano pa ba naman ang hahanapin niya du’n sa guy, e, sobrang sarap magmahal nu’n? Ni hindi ‘yun tumitingin sa ibang babae kapag may girlfriend siya?

“Saka panalung-panalo siya sa male personality na ‘yun pagdating sa kabaitan at pagiging malambing. Suwerte siya, kaya wala na siyang hahanapin pa!

“At walang malisya, marami ngang naiinggit sa girl dahil ayon sa kuwento, e, taga-Dakota Harrison ang boyfriend niya! Pati mga baklita, gusto siyang sabunutan, kasi nga, kumalat ang kuwento na napaka-blessed ng male personality!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ganu’n daw?

Willie winawasak na

Hindi pa man nakapagdedesisyon si Willie Revillame kung tatanggapin niya ang alok ni PRRD na tumakbo sa pagka-senador sa palapit nang eleksiyon ay ginagawa na siyang target ngayon ng mga taong nagmamarunong.

Nagpapakilalang may malasakit sa bayan ang mga taong ‘yun pero kitang-kita naman ang kulay nila, ang mga kakandidatong malapit sa pangulo ay winawasak na nila ngayon pa lang.

Hindi raw dapat suportahan ang kakandidatong sumasayaw ng budots, ang kandidatong wala namang alam kungdi ang mamigay ng jacket, at kung anu-ano pang paninira.

Nakakalungkot ang pulitika dito sa atin, hindi pa man nagsusumite ng kandidatura ang mga tatakbo sa iba-ibang posisyon ay inuupakan na agad, makapanggulo lang.

Kapag binanggit ang salitang jacket ay nakatatak na sa isip ng ating mga kababayan na si Willie Revillame ang tinutukoy. Mahabang panahong siyang namimigay ng jacket sa kanyang programa.

Bakit nga ba jacket ang piniling ipamahagi ni Willie sa ating mga kababayan? Minsan na rin namin siyang tinanong tungkol du’n.

Sagot ni Willie, “Ang pakiramdam ko kasi, kahit malayo sila sa akin, e, parang niyayakap ko pa rin sila. Marami namang puwedeng ibigay sa kanila pero mas gusto ko ang jacket na may malaking pakinabang sa kanila.

“Jacket talaga ang una kong naisip na ipamigay sa mga kababayan natin para magkakalayo man kami, e, parang kasama ko pa rin sila,” paliwanag ng sikat na TV host.

Sa laki at lawak na ng nagagawang tulong ni Willie Revillame sa mga kababayan nating kapuspalad, sa sinsero niyang pag-ayuda na sariling pera niya ang kanyang ginagastos, ang mga umuuupak sa kanya sa pagtakbo sa darating na eleksiyon ay isang maling sigaw.

Leave A Reply

Your email address will not be published.