Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young actress ‘di mukhang buntis

0 226

Maraming dila ang kumakawag ngayon na ang puntirya ng pagdududa ay tungkol sa isang young actress na diumano’y nagdadalantao at sa ibang bansa manganganak.

Lantad na ang relasyon nila ngayon ng isang male personality, hindi tulad nu’n na halos matanggal na ang ulo nila sa leeg sa pagdedenay, umamin na sila sa wakas.

Marami na kasing personalidad ang nagbigay ng kung anu-anong dahilan tungkol sa kanilang pangingibang-bansa. May mag-aaral daw, may magtatrabaho, pero sa kalaunan ay umuuwi silang may karga-karga nang baby.

Kuwento ng isang source, “Nakita pa namin si ____(pangalan ng magandang young actress) kailan lang, hindi naman malaki ang tiyan niya, ordinaryo lang. Parang mahirap paniwalaang pregnant siya.

“Nu’ng minsan, e, nakita rin siya ng friend ko, wala siyang napansin, hindi raw naman tumaba ang girl at flat naman ang tiyan niya,” unang kuwento ng aming impormante.

Mukhang boto naman ang ina ng young actress sa karelasyon niyang male personality, walang negatibong komento ang kanyang mommy, hindi tulad nu’ng sila pa ng isang young actor na kontrang-kontra ito.

Patuloy ng aming source, “Puwede naman kasing ipinakilala lang siya ng guy sa mga biyenan niyang hilaw. Puwede rin namang sinamantala na nila ang panahon para makapagbakasyon, tutal nga naman, e, wala silang trabaho ngayon.

“Maraming puwedeng dahilan ang pagsama niya sa bansang kinaroroonan ng family ng guy, pero not necessarily pregnant siya at du’n na raw siya manganganak,” pahayag pa rin ng aming source.

At kung totoo naman ang pagdududa ng iba na nagdadalantao nga ngayon ang young actress at sa ibang bansa siya magluluwal ng kanilang sanggol ng male personality ay ano naman kaya ang maikokomento ng source?

“E, di isali na lang natin siya sa listahan ng mga personalities na nagdenay? E, kung ‘yung isang female personality nga na dito lang nanganak, pinatutunayan ‘yun ng mga nakakaalam ng nangyari, e, hindi pa rin naman umaamin, di ba?
“E, di it’s a tie na lang!” natatawang pagtatapos ng aming impormante.

Sharon dinisplay ang branded na relo

Sinoplak nang malakas ng Megastar ang kanyang mga bashers sa paglalantad ng kanyang mga koleksiyon ng relo na milyunan ang halaga.

Aminado naman si Sharon Cuneta na para sa mga bashers ang desisyon niyang idetalye ang mga multi-milyong halaga ng kanyang mga relo. At para sa mga Sharonians na rin na matagal nang hinihiling na ilabas niya ang kanyang mga koleksiyon.

Nang ilabas kasi ni Mega ang kanyang Rolex Daytona ay may mga bashers na nagkomentong ang yabang-yabang niya naman. Para dadalawang Rolex lang daw naman ang meron siya pero ganu’n na lang ang kanyang pagmamalaki.

Ayan tuloy, kinagat ni Sharon ang hamon, hindi lang pala dalawang Rolex ang meron siya kundi pagkarami-rami.

May solid gold, may platinum, may two-tone, na ang kabuuang halaga ay puwede nang ipagpatayo ng isang mansiyon.

Bukod sa mga relong iniregalo ng kanyang ama, ang pumanaw na si Mayor Pablo Cuneta sa kanyang inang si Mommy Elaine, ay kumpleto siya ng iba-ibang disenyo ng Rolex.

At may matinding karapatan at kakayahan naman siyang bumili nu’n anumang oras niyang gusto dahil bilyonarya siya. ‘Yun ang pinakapremyo ni Sharon sa kanyang sarili sa ilang dekada na niyang pagtatrabaho.

Suutan man ng Rolex ni Sharon kahit ang kanyang mga paa ay puwede niyang gawin dahil ang ipinambili niya naman du’n ay perang kinita at pinaghirapan niya at hindi naman salapi ng bayan.

Siguradong may maikokomento pa rin ang mga bashers sa kanyang ginawa, pero isa lang ang mahalaga, walang kahit sinong makapanunumbat-makapagtatanong sa Megastar kung saan nanggaling ang kanyang kayamanan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.