Abante Tonite Interactive

Young actress gumimik na purdoy

344

Pinagdududahan ngayon ang young actress kung totoong naghihirap siya.

Mukha raw kasing nagdrama lang para tulungan ng isang sikat na actor.

Naimbestigahan na kaya ng actor kung ano ang nangyari sa naitulong niya para sa negosyo ng young actress sa pamilya niya? Nailagay kaya sa ayos?
Kung totoong naghihirap sila, bakit inuuna pa umano ng mother ng young actress na bumili ng mamahaling alahas?

Abante Hiring – IT dep

Nagyayabang pa raw ang nanay na brand new umano ang sasakyan nilang ginagamit sa set.

Pero paiba-iba siya ng statement dahil se­cond hand daw ‘yun nang pansinin ito ng isa pang sikat na aktor.

Ang tanong lang ng aming source, ganoon ba kalaki ang kinikita ng young actress para unahin ng ina ang luho nila? Hindi kaya nagpaawa lang sila sa publiko at gumimik na purdoy na para magka-project? (RFC)