Abante Tonite Interactive

Young actress ini-small ang kapwa artista

457

May pagkamaldita talaga ang isang ganda-gandahang young actress (GGYA).

Nagdayalog kasi si GGYA sa isa niyang kaibigan na maraming friends sa showbiz na siya lang daw ang marunong mag-English sa mga young actress sa network na kinabibilangan niya.

May himig pangmamaliit sa mga ka-network niya ang statement ni GGYA, na para bang lahat ng kapanabayan niya ay walang alam sa Ingles at siya lang ang bukod tanging Inglisera.

In all fairness ay meron din namang ibang young actresses na marunong mag-English sa nasabing istasyon, may pagka-feeling superior lang siguro talaga si GGYA.

Pagmamalaki pa nito, dahil magaling siyang mag-English ay bagay raw siya sa isang malaking network dahil marami raw English speaking doon, samantalang sa bakuran nila ay siya lang.

Tarayyy, ‘di ba? GGSS (as in galing na galing sa sarili) din pala itong si GGYA, na ganu’n na lang kung makapagbuhat ng sarili niyang bangko.

Oo nga’t nakakapag-Ingles siya at plus factor ‘yon sa isang artista, pero hindi naman guarantee ‘yon na sisikat siya at magiging isang big star.

Sa katunayan ay ang daming young stars na hindi kagalingan mag-Ingles, pero napag-iwanan na ng mga ito nang milya-milya si GGYA pagdating sa kasikatan.

Actually, kahit pa sabihing Inglisera si GGYA, hindi naman siya kagalingan magsalita sa mga interview at never naman kaming na-impress sa pagiging articulate niya.

English speaking ka nga, hindi ka naman sincere kausap at boring ka naman kainterbyuhan, balewala rin, ‘di ba?

PAK!!

Lea Salonga nilamon si Jett Pangan

‘Pakahusay ni Ms. Lea Salonga sa musical thriller na “Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street” bilang si Mrs. Lovett.

Si Jett Pangan ang title roler, pero si Lea ang bidang-bida at super-standout sa show bilang biyudang pie maker na partner in crime ng mamamatay-taong barbero na si Mr. Todd.

Totoo ‘yung chika na this is Lea’s best since “Miss Saigon” dahil ibang-iba siya rito at tila sinaniban talaga siya nang bongga ng dark character ni Mrs. Lovett, na karima-rimarim ang ‘secret ingredients’ na nilalagay sa kanyang famous meat pies.

Mula sa itsura, kilos at pananalita nito ay napakalayo sa wholesome at demure na Lea Salonga kaya talagang mamamangha ka.

Bet na bet namin ang kanyang thick, delicious British accent na ang sarap pakinggan. From start to finish ay never bumitaw si Lea sa karakter niya at bawat eksena niya ay sobrang bibilib ka.

We want to say the same thing sa leading man niyang si Jett Pangan, but sad to say, hindi at par si Jett sa world-class talent ni Lea.

Naturingang rakista si Pangan pero kulang sa fire ang pagganap niya kay Sweeney Todd, kaya most of the time ay kulang sa impact ang mga eksena niya.

Kung si Lea ay totally disappeared in her role, ang kapareha niya ay may moments na si Jett ang nakikita namin sa stage at hindi ang karakter nito. Feeling tuloy namin ay may mga eksenang nilalamon ni Lea si Jett.

Isa pang standout sa cast kahit hindi kahabaan ang role ay si Nyoy Volante bilang Italyanong si Adolfo Pirelli. Magaling din si Luigi Quesada bilang bagets na alaga ni Mrs. Lovett na si Tobias Ragg, at si Ima Castro bilang Beggar Woman.

Maiksi lang ang role ni Arman Ferrer bilang sidekick ni Judge Turpin na si Beadle Bamford, pero super aliw ang solo number ni Arman na applauded ang paiba-iba ng boses.

Ito ang first musical ni Gerald Santos after his stint sa UK Tour ng “Miss Saigon”. Ang ganda ng singing voice ni Gerald.

Okey sana si Mikkie Bradshaw-Volante bilang Johanna Barker, pero alangan ang laki niya for Gerald at sana ay mas bata ang kinuha for the role para mas tugma silang dalawa.

Ang bongga ng bagong treatment na ginawa ng Atlantis at ni Direk Bobby Garcia sa naturang musical play.