Abante Tonite Interactive

Young actress kinainisan sa abroad

352

DATI nang mailap ang mga kababayan natin sa pagbati-paglapit sa isang young actress dahil mukha siyang suplada. Bibihira siyang ngumiti, parang may sarili siyang mundo, masyadong mahal ang kanyang pagtawa.

‘Yun mismo ang naging paksa ng mga nagtatrabaho sa paliparan nang umalis ang isang buong tropa ng mga artista para mag-show sa ibang bansa.

Kuwento ng isang source, “Lalong hindi siya nilapitan ng mga utaw dahil meron siyang matinding pinagdadaanan ngayon. Alam naman ng buong bayan kung gaano siya inuupakan ngayon sa social media.

“So, pagpasok niya sa airport, e, nakatingin lang sa kanya ang mga nandu’n, pinagmamasdan lang siya. Kung dati, e, hindi na siya ina-approach ng mga kababayan natin dahil baka pagmalditahan lang sila, e, di lalo na ngayon?

“Walang nakikipag-selfie sa kanya, samantalang ang ibang mga kasamahan niyang artista at singers, e, nilalapitan ng mga pasaherong nandu’n.
“Ang girl naman, e, abalang-abala sa cellphone niya, meron siyang tinatawagan, meron din siyang nilalaro sa phone niya.

“Ganu’n lang talaga ang puwede niyang gawin dahil problemado nga siya ngayon. Wala siyang time na makipag-usap kahit kanino, ayaw din siyempre niyang ngumiti-ngiti sa mga nagpapa-pictorial sa kanya,” kuwento ng aming impormante.

Sa ibang bansa ay naging negang-nega nu’n ang young actress dahil sa pagkalat ng isang video. Binabati siya ng mga kababayan natin, pero sa halip na kumaway man lang nang kahit malayuan ay hindi niya pinansin ang grupo, kaya inis na inis sa kanya ang mga ito.

Patuloy ng aming source, “‘Yung nangyayari ngayon sa kanya, e, kauna-unawa naman. Matindi ang pinagdadaanan niya. Siya ang inuupakan talaga ngayon sa social media, super-nega ang image niya.

“Pero sabi nga niya, e, human being din naman siyang nasasaktan, hindi naman siya manhid, nasasaktan din siya nang husto sa mga bintang na ipinupukol sa kanya.”

Natural, hindi siya makikipag-selfie, ayaw raw niyang magpakaplastik, nagpapakatotoo lang daw naman siya,” pagtatapos ng aming impormante.

Anderson, Barrettoplinano ang paglaban kay Bea?

PARANG nag-usap sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Parang pinag-usapan nila na magsasalita na ang aktor tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Bea Alonzo at maglalabas na rin ng kanyang emosyon si Julia sa social media laban kay Bea.

Halos sabayan ngang naglabas ng saloobin sina Gerald at Julia. Sa kanyang interview ay sinabi ng aktor na puro away na ang nangyayari sa kanila ni Bea. Fight after fight after fight ang terminong sinabi ni Gerald.

Kaya para makaiwas na lang siya sa gulo na halos nagkakasakitan na sila ng kalooban ay umiwas na lang siya. Hindi na niya tinawagan pa o kinausap si Bea at ipinalagay niyang tapos na ang lahat sa kanila.

Iba naman ang interpretasyon ni Bea, totoong nagkakaroon sila ng away, pero wala pang closure ang kanilang relasyon. Sila pa rin.

Niresbakan naman ni Julia Barretto si Bea sa pagsasabing hindi ginamit ng aktres ang kanyang kapasidad sa wastong paraan. Sa halip ay parang si Bea pa ang naging starter Hsa kaguluhan, nagsumbong ito sa publiko, kaya si Julia ang talagang sinentruhan ng mga upak sa social media.

Giyera nina Bea, Gerald, Julia hindi pa tapos

KATANGIAN na ng mga Barretto ang hindi basta-basta pagsuko sa anumang laban. Sina Gretchen, Marjorie at Claudine, mananahimik lang sila nang panandalian, pero kaabang-abang ang pagresbak nila sa kanilang kalaban.

Maiiba pa ba naman si Julia? Kaya nu’ng isang araw ay naglantad na siya ng saloobin dahil umaaray na siya sa mga bintang at paghusga sa kanya sa social media na sa kanyang isip ay pinasimulan ni Bea Alonzo.

Pinangaralan niya talaga si Bea, parang mas nakatatanda pa nga ang dating niya kesa kay Bea sa dami ng mga salitang ipinalunok niya sa aktres, tinawag niyang bully si Bea.

Hindi pa matatapos ang teleseryeng ito ng tunay na buhay. Siguradong may reresbak din, may mga makikisawsaw pa sa gulo, at patuloy pa rin silang gagawing pulutan sa social media.