Abante Tonite Interactive

Young actress masama ang ugali

424

Gaano kaya katotoo ang balitang may attitude problem ang isang young actress? Ito raw ang dahilan kaya walang nangyari sa kanyang career.

Ang feeling kasi ng young actress ay magagawa niya ang gusto niyang gawin para sumikat ang kanyang karera. Siya’y produkto ng isang popular reality show.

May pagka-bratinella ang young actress na ito. Hindi raw sumusunod sa gustong mangyari ng kanyang dating management company kaya hindi siya gaanong nabibigyan ng proyekto.

Dahil dito, nagdesisyon ang young actress na kumalas sa namamahala ng kanyang karera. Lumipat siya sa iba dahil sa pagnanais na may mangyari sa kanyang career.

Siya’y napag-iwanan na ng milya-milya ng dati niyang kasamahan dahil sa magandang attitude ng mga ito.

In showbiz, kapag nag-inarte ka, talagang walang mangyayari sa ‘yo. Isipin mo na lamang na mas marami ang mas magaganda at mas magagaling kesa sa ‘yo na naghihintay lamang ng tamang break.

Ang tanong ng marami, may mangyari kaya sa career ng young actress na ito? Sumikat kaya siya kung dala-dala pa rin niya ang kanyang masamang ugali na ipinakita sa kanyang unang management?

Ano sa palagay mo, Roldan C.?

Arjo ‘di nagpasapaw kay Carlo

Napakahusay ni Arjo Atayde bilang anti-hero lead actor sa ikalawang season ng “Bagman”. Prodyus ito ng Dreamscape Digital for iWant.

Ang “Bagman: Season 2” ay isang socio-political action series na pinamamahalaan ni direk Shugo Praico. Bukod dito, isa rin siya sa mga creator ng serye along with writer-director-politician Lino S. Cayetano and Philip King.

Dahil sa tagumpay ng unang season ng “Bagman”, agad ito sinundan ng part 2.

Pasok ang mga bagong characters na ginagampanan nina Carlo Aquino, Rosanna Roces, Romnick Sarmenta, Mon Confiado at iba pa.

In fairness, lahat ng miyembro ng cast ng “Bagman: Season 2” ay pawang mahuhusay including Irma Adlawan, Menggie Cobarrubias, Joel Saracho at iba pa.

Nu’ng Martes ay nagkaroon ng celebrity screening. Dumalo ang parents ni Arjo na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde kasama ang nakababata nitong kapatid na sina Ria at Gela Atayde.

Nandoon din ang Diamond Star na si Maricel Soriano na payat ngayon, JC de Vera and his wife na si Rikka, Ynez Veneracion, Sue Ramirez, Jairus Aquino, Pen Medina, Mon Confiado, Menggie Cobarrubias at iba pa.

Marami ang nagulat sa pagiging anti-hero ng character ni Carlo na napakahusay rin sa nasabing serye. Pero hindi nagpasapaw si Arjo sa ipinamalas na akting.

Jade Lopez 5-buwan preggy

Tatlong celebrities ang nakatakdang magsilang ng kanilang respective first babies next year. Ang mga ito ay sina Solenn Heussaff, Anne Curtis at si Jade Lopez na five months preggy courtesy of her husband of more than one year na si Rocky Siccion.

Si Jade ay isa sa mga Avengers ng talent reality show ng GMA, ang “Starstruck: Season 1”. Ka-batch niya sina Jennylyn Mercado at Mark Herras na mga Ultimate Winners.

Sina Jade at Rocky ay ikinasal sa Manila Cathedral nu’ng October 22, 2018 kaya nag-celebrate na sila ng kanilang 1st wedding anniversary last October 22.