Abante Tonite Interactive

Young actress nag-ilusyong dyowa ang dramatic actor

465

Ilusyunada pala umano itong isang young sexy actress (YSA).

Ayon sa source namin, ipinamamalita raw kasi nito na na­ging boyfriend niya ang isang young dramatic actor (YDA), pero wala naman daw ‘yung katotohanan.

Never daw nakarelasyon ni YDA si YSA, at kahit mutual understanding (MU), ay wala rin daw ganoong nangyari sa dalawa.

Although sweet at maalaga raw si YDA kay YSA.

Dahil daw siguro ru’n, kaya inilusyon na ng YSA na boyfriend niya si YDA. Na nang makarating nga raw sa kampo ni YDA ang ginagawang pamamalita ni YSA na nakarelasyon niya ito, ay pinagtatawanan siya ng mga ito. Sobrang ilusyunada raw ni YDA. (Rommel Placente)