Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young actress nagbago ang ugali

0 564

Kahit ang mga dating unang nakatrabaho ng isang young female personality ay naninibago sa kanyang malaking ipinagbago.

Hindi lang sa kanyang nakagugulat na pagbabago sa itsura kundi maging sa kanyang ugali. Kung ilarawan siya ng mga ito ay parang isang probinsiyanang bagong salta lang sa Maynila na hindi pa man nagtatagal ay naging sobrang moderno na.

Kuwento ng isang source, “Napakalaki talaga ng ipinagbago ni ____(pangalan ng young female personality), nakakapanibago siya dahil dati, e, napakasimple lang niya.

“Nakaupo lang siya sa receiving area ng film company, halos araw-araw silang nandu’n ng mother niya, dahil naghihintay nga sila ng project na gagawin niya.

“Kahit hindi niya personal na kilala, e, binebeso niya, nakangiti siya palagi, nice na nice siya nu’n,” pag-alala ng impormante.

Ngayong may pangalan ng ang young female personality ay ibang-iba na siya. Sa itsura, sa pakikitungo sa mga taga-production, sa kanyang mga kilos at pinaggagagawa.

Balik-kuwento ng source, “Mula nu’ng maging sila ng isang young actor, e, napakalaki na ng ipinagbago niya. Unti-unti, nagkaroon na ng mga pagbabago sa itsura niya. Hindi puwedeng maikaila ‘yun, sa halos araw-araw nilang pagpunta sa opisina ng film company, e, kaya na siyang i-drawing nang kahit papikit ng mga nandu’n.

“Kabisado na ng mga nandu’n ang itsura niya, kaya takang-taka sila ngayon sa napakalaking pagbabago ng mukha at katawan niya.

“Kahit sa ugali, malaki rin ang ipinagbago niya. Sobrang liberated na siya ngayon, parang wala na siyang pakialam sa mundo.

“Malaking-malaki ang influence sa kanya ng boyfriend niyang ewan din ang ugali. Ang nagagawa nga naman ng pagmamahal!

“Kakalimutan na ang dating kinasanayan, mapasaya lang ang boyfriend. Hindi naman siya dating ganu’n, Pinay na Pinay ang ugali at galaw niya, pero ngayon, para na siyang lumaki sa ibang bansa na sobrang liberated kung gumalaw at magsalita!

Related Posts

“At hindi na niya kilala ang ibang kulay, red lang ang kilala niya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Kris,Willie sanib puwersa sa TV5

Maraming nag-isip na ang sinasabing bagong yugto ng buhay ni Kris Aquino ay ang pagpasok niya sa GMA-7 para gumawa ng talk show.

Marami kasing nakakaalam na si Willie Revillame ang kanyang tumatayong padrino sa network, ang sikat na TV host ang naglalapit sa kanya sa mga tagapamuno ng istasyon, walang nag-isip na babalik siya uli sa ABS-CBN (na Kapamilya Channel na ngayon).

Si Kris na mismo ang nagsabi na bakit pa siya magtatrabaho uli sa ipinasaradong network na nagparamdam sa kanya ng hindi pagkagusto?

Pero isang kasamahan sa TV5 ang nagkuwento sa amin na nu’ng isang araw lang ay dumating sa Reliance station ang mga staff ni Kris.

“Inikot nila ang mga studio, ang balita, e, magkakaroon ng bagong talk show si Kris na si Willie Revillame ang producer niya. Magba-blocktime sila sa TV5.

“Akala nga namin, e, sa GMA-7 siya pumirma ng contract, ibinitin pa niya ‘yun, pero sa Cornerstone pala,” pahayag ng aming kausap.

Posible ring dahil hindi kinaya ni Willie Revillame na makaentra sa GMA-7 si Kris ay inako na lang ng TV host ang pagiging producer ng talk show.

Station produced man o blocktime ang paraan ng pagbabalik sa telebisyon ni Kris, ang mahalaga ay mapapanood na siya uli ng publiko, sa tagal na ng panahon ng kanyang pamamahinga ay marami nang nasasabik sa kakaiba niyang atake sa paghawak ng ganu’ng klase ng programa.

Sana nga, ito na ang hudyat ng pagbabalik-TV ni Kris Aquino, magandang balita ‘yun.

Leave A Reply

Your email address will not be published.