Abante Tonite Interactive

Young actress naghahabol sa ex-BF

662

Ngayong nakaka-move on na ang aktor sa break-up nila ng aktres ay saka naman daw naghahabol ito.

Kuwento ng aming source, nagsawa na si aktor na manuyo. Na-realize din nito na bakit siya ang kailangang gumawa ng move para magkaayos sila gayung si aktres ang nagkasala?

Pero nagtaka ang malapit sa aktor dahil biglang umamo si aktres. Biglang ume-effort na magkaayos sila. Na-realize daw malamang ni aktres na baka maapektuhan ang career niya.

Ang dating nobyong aktor kasi ang sumalba sa karera niya nu’ng mga panahong kahit sino ang itambal sa kanya ay hindi nagki-click. Mula nang dumating si aktor sa buhay niya ay gumanda ang takbo ng kanyang career.

May mga ibang faney naman si aktor na masaya sa nangyari. Sey nila, mas gusto raw nila na single ang kanilang idolo dahil mas nakakalapit daw sila dito. Hindi raw kasi masyadong magiliw sa kanila ang aktres lalo na sa pagpapakuha ng picture. (Mildred Bacud)