Abante Tonite Interactive

Young actress nagpapakatanga sa panloloko ng dyowang aktor

No, thanks!

By
0 226

tonite-no-thanks-cristy-fermin

MARTYR kung tawagin ng kanyang mga kaibigan at katrabaho ang isang young actress. Wala siyang ibang pinaniniwalaan kundi ang kanyang boyfriend lang.

Kahit kanino pa niya marinig ang kuwentong nakikipagkita sa ibang babae ang kanyang karelasyon ay wala siyang pakialam. Napakalinis ng imahe bilang boyfriend ng karelasyon niyang young actor.

Abante Hiring – IT dep

Kahit mismong mga taong nagmamalasakit na sa kanya ang nagpapaalalang huwag niyang masyadong pinaniniwalaan ang young actor ay bulag, pipi at bingi pa rin ang young actress.

Say ng aming source, “Naku, para siyang kabayo na tumatakbo nang may tapa-ojo. Wala siyang nakikita, wala siyang nariri­nig, sobra-sobra talaga ang paniniwala at pagmamahal niya du’n sa lalaki.

“‘Di nga ba, nakaaway niya na ang kung tutuusin, e, concerned lang namang friend niya? Nakita kasi nu’ng girl sa bar ang boyfriend niya, marami sila, pero may ka-date na tisay ang boyfriend niya!
“Instead na paniwalaan niya ang kaibigan niya, e, inaway pa niya, liar daw ang friend niya, sinisiraan lang daw ang boyfriend niya! Ganu’n siya katinding magmahal!” kuwento ng aming impormante.

Maraming beses palang hinahamon na ng hiwalayan ng young actor ang young female personality, pero ang girl ang ayaw puma­yag, hindi raw niya kayang mawala ang boyfriend niya.

Balik-kuwento ng aming source, “Kaya ayun, lalong lumakas ang loob nu’ng young actor na gumawa ng kalokohan! E, hindi pala siya kayang mawala ng girl, e, ‘di passport na niya ‘yun para magluko nang magluko!

“Ewan kung kailan magigising sa katotohanan ang babaeng ‘yun! Ewan kung kailan siya maniniwala na trabaho lang para sa guy ang relasyon nila.

“Naku, nakakaawa naman siya. Ibang klase talaga siyang magmahal. Bulag na bulag siya. Kulay black na nga, red pa rin ang paniwala niya!” pagtatapos ng aming source.

Maraming batok, mas malaking pera — Bentong

TANONG ng mga anak sa kanilang ama, “Tay, bakit ka pumapayag na binabatuk-batukan kayo sa pelikula at TV? ‘Di ba, masakit ‘yun?”

Sagot ng ama sa kanyang mga anak, “Huwag kayong mag-alala, may daya naman ‘yun. Kasi, mas maraming batok, mas malaking pera!”

Ang namayapang komedyanteng si Bentong mismo ang nagkuwento sa amin nu’n isang gabing magkakuwentuhan kami sa studio ni Willie Revillame. ‘Yun daw ang madalas na tanong ng kanyang mga anak kapag napapanood siya.

Sumakabilang-buhay ang matagal na ring maysakit na si Bentong sa sakit na diabetes. Pero sa kabila ng kanyang dinaramdam ay kailangan pa rin niyang magtrabaho para sa kanyang pamilya.

Masipag si Bentong. Kapag alas-kuwatro nang madaling-araw ang call time ay nandu’n na siya nang alas-tres, dahil ang kanyang katwiran, hindi bale nang siya ang maghintay kesa sa siya ang maging cause of delay ng trabaho.

Sa puso ni Willie Revillame si Bentong. Nasa pedestal ang ­aktor-TV host kung ikuwento ng pumanaw na komedyante, “Wala akong inilapit sa kanya na hindi niya ibinigay.”

Hindi kasi makuwento si Willie, anumang tulong na iniabot ng kanyang kanang kamay ay hindi na nito ipinaaalam sa kaliwa, hinding-hindi mo ito maaasahang magkuwento tungkol sa kadakilaan ng kanyang puso.

Si Bentong ang paulit-ulit na tumatanaw ng utang na loob kay Willie, maraming-marami siyang papuri sa kanyang Kuya Wil, ­ultimo mga gamot na buwan-buwan niyang iniinom ay si Willie ang sumasagot.

Ang taos-puso po naming pakikiramay sa mga iniwan ni ­Bentong. Si Bentong na meron nang dinaramdam ay nakangiti pa rin. Si Bentong na mula nu’n hanggang sa kanyang pamamaalam ay nanindigan sa kanyang pagkakomedyante.