Abante Tonite Interactive

Young actress nahuling nagnakaw ng dats

By
3,314

HINDI na masyadong aktibo nga­yon ang isang young actress na kinatatakutan ng kanyang mga kasamahang artista. Hindi mataray ang girl, gumagapang lang ang kanyang mga kamay, may pagka-clepto ang maganda pa namang teenstar.

Tuwing nagte-taping sila ay siguradong may mawawalan ng pera o kagamitan sa kanilang dressing room. Mabilis ang mga kamay ng young actress, napakasimple lang niyang kumilos, pero walang kasingbilis ang kanyang mga kamay.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng una, e, walang nagbibintang sa kanya, tahimik lang kasi siya, very simple, pero nakamayan din siya ng mga co-stars niya nu’ng bandang huli na.

“Pinainan kasi nila ang girl, isinulat ng mga kasamahan niya ang serial number ng mga pera nila sa wallet. Nagkaisa talaga ang grupo para matapos na ang madalas na pagkawala ng money at mga stuff nila habang nagte-taping sila.

“Wala sa eksena ang girl, naiwan siya sa dressing­ room, nagkaroon siya nang sobra-sobrang panahon para kunin ang mga kagamitan at pera ng mga kasamahan niya.

“Pagbalik sa dressing room ng grupo, pumiyok ang isa na nawalan siya ng pera, ganu’n din ang sigaw ng isa pa, hanggang sa lahat pala sila, e, nawalan ang datung! Malakas ang loob ng isang teenstar, ang sabi niya, ‘Sorry, ha? Pero ikaw lang naman ang naiwan dito.’

“So, hinalughog nila ang bag ni ____(pangalan ng magandang young actress) at presto! Nakaipon sa wallet niya ang mga perang nawala sa mga kasamahan niya! Nagdedenay pa siya nu’ng una, pera raw niya ‘yun, pero inilabas ng tropa ang isang papel na may nakasulat na mga numero!

“‘Yun ang serial number ng mga kadatungan nilang nawawala na nakita nila mismo sa wallet ng girl! Nandu’n din ang nawawalang lipstick, powder at kung anu-ano pang mga kagamitan ng mga co-stars niya!

“Natural, binawi sa kanya ng mga girls ang pera nila! Wala nang nagawa ang girl kundi ang umiyak na lang nang umiyak!” pag-alala ng aming impormante.

Walang magdududa sa kanyang itsura. Sosyal kasi ang porma ng young actress. Mula siya sa pamilya ng mga kilalang artista.

Misis ng mayor na BF ni Aiko may pasasabugin

MAYOR na naman ang karelasyon ni Aiko Melendez. Mula sa dalawang mayor na nakarelasyon niya (Ma­yor Herbert Bautista at Ma­yor Patrick Meneses) ay si Mayor Jay Khonghun ng Subic ang boyfriend nga­yon ng aktres.

Ayon kay Aiko ay matagal na raw hiwalay ang pulitiko sa kanyang misis, isang kuwentong ikinagugulat ng mga empleyado ng isang kilalang parlor, dahil kliyente nila ang mi­sis ni mayor.

Kung ang mga ito ang paniniwalaan ay hindi pa hiwalay si Mayor Khonghun at ang misis nito, magkasama pa rin sila, pero alam ng misis na si Aiko Melendez ang third wheel sa kanilang relasyon ni mayor.

Gusto pa nga raw ma­kipag-usap ng misis ni mayor sa mga reporters, kung ano ang kanyang mga ipagtatapat ay hindi namin alam, pero malinaw ang kuwento ng mga taga-parlor na hindi pa hiwalay si Mayor Jay at ang misis nito.

Hindi namin alam kung sinabi ni mayor na hiwalay na sila ng kanyang misis, na pinaniwalaan naman ni Aiko, kaya pumasok siya sa ganyang relasyon.

Sabi ng aming kausap, “Hindi pa sila hiwalay. Nagulat nga ‘yung wife ni mayor sa lumabas na balita sa tabloid na hiwalay na raw sila. Kaya nga gusto niyang may makausap na reporters.”

May anak-anakan ka­ming pinsan ng boyfriend ni Aiko, si Kristoffer Khonghun, matanong nga ang aming anak-anakan kung ano ang katotohanan sa kuwentong ito.