Abante Tonite Interactive

Young actress tibo

889

GANDANG-ganda ang aming pamangking si Ferdie de Leon ng MBAI sa isang kilalang young actress. Wala itong nakikitang mali sa mukha ng batang aktres.

“Napakaganda niya, simpleng-simple, pero iba ang beauty niya. Sa lahat ng mga youngstars ngayon, siya ang pinakamaganda para sa akin,” papuri pa ng aming pamangkin sa young actress.

Pero shock boogie ang aming pamangkin, nalaman kasi nito na babae rin pala ang hanap ng young actress, katunayan ay meron na siyang nakarelasyong magandang youngstar din sa kanilang network.

“Ganu’n ba? Ang ganda-ganda niya, pero tibo pala siya? Naku, okey lang, bago pa ba naman ang ganyang kuwento ngayon? Pinakamaganda pa rin siya para sa akin,” nasabi na lang ni Ferdie.

Sa porma at kilos ng young actress ay halatado naman ang kanyang pagka-macho. Sayang na ganda, sabi nga ng marami, pero kung du’n siya masaya ay may magagawa ba tayo?

Amoy na amoy na ng kanyang mga katrabaho ang seksuwalidad ng magandang young actress.

Female personality mabenta sa D.O.M.

MARAMING nagtatanungan kung ano ang meron sa isang female personality para magustuhan siya ng mga yayamaning lalaki.

Maganda siya, pero hindi naman magandang-maganda kumpara sa iba, hindi siya masyuba pero hindi rin naman siya kaseksihan.

Sabi ng isang source, “Napakalakas ng appeal niya sa mga D,O,M.. Nakapagtataka kung bakit, e, hindi naman siya ‘yung tipong ibinubuyangyang ang katawan niya! Simple lang siya, padrama-drama lang, paarte-arte, hindi naman niya ipinupuhunan ang body niya!

“Pero bakit kaya mabenta siya sa mga may edad nang lalaki? Ilan na ba ang nali-link sa kanya na puro milyonaryo?

“Siguro nga, e, ang kasimplehan niya ang nagugustuhan sa kanya ng mga D.O.M., ‘yung parang wala siyang muwang, parang napakainosente niya,” opinyon ng aming source.

Sa probinsiya kung saan nanggaling ang female personality ay marami na siyang naipundar na bukirin para sa kanyang pamilya. Meron pa ngang building.

“Nakikita kasi siyang nagpupunta du’n habang kino-construct ang building. Naka-chopper pa nga siya kapag dumadalaw sa ipinagagawa niya.

“Ang suwerte-suwerte naman niya, kaya pala hindi siya nakikipag-boyfriend, mas maganda ang kabuhayan showcase niya sa parang mga tatay na niya ang age!” pagtatapos ng aming impormante.

Bagong posisyo ni Mocha kinokontra

BUHAY na buhay na naman si Mocha Uson! Siya ang itinalagang bagong Deputy Executive Director ng OWWA. Magiging aktibo na naman ang kontrobersiyal na singer sa bagong linyang ibinigay sa kanya ng ating pangulo.

Kinukuwestiyon ng marami ang kanyang posisyon, natalo kasi ang kanyang Party List nu’ng nakaraang eleksiyon, dapat daw ay nagpalipas muna nang isang taon para makakuha ng anumang posisyon sa ating pamahalaan ang talunang tulad ni Mocha.

Pero maagap sa pagpapaliwanag ang Palasyo, hindi raw sakop ng alituntunin ng COMELEC ang pagpupuwesto ng pangulo sa anumang upuan, kaya ligtas na naman si Mocha sa mga kumokontra sa kanya.

Pero kung hindi siya naging kapaki-pakinabang sa PCOO dahil marami siyang kinapaloobang kahihiyan ay mukhang dito sa OWWA siya magiging epektibo.

OFW nu’n si Mocha, nakilala siya bilang entertainer sa Qatar, kaya alam na alam niya ang hinaing at saloobin ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa iba-ibang bansa.

At nu’n pa man ay nagpapakita na siya ng pagmamahal at malasakit sa mga OFW, ipinararating niya kay Pangulong Duterte ang mga problema ng mga manggagawa, kaya ito ang linyang nararapat talaga para kay Mocha Uson.

Pag-aralan lang sana niyang mabuti ang kanyang bagong posisyon, konting preno rin ang dila sa pagsasalita, dahil baka maungkat na naman ang kuwento ng Mayon volcano na hindi niya alam kung saan matatagpuan.

Mula sa matagal-tagal ding pananahimik ay buhay na buhay na naman si Mocha Uson!