Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young actress type kalasan ng ka-loveteam

0 164

MILDRED BACUD:Ang dami na talagang imbyerna sa attitude ng young actress. Nauna ko nang naisulat sa aking kolum ka-cuatros sa Abante Tonite ang kamalditahan nito. Maging ang mga staff, katrabaho at maging direktor ay napipikon na sa ugali nito. Pero ito ang latest ha. Hindi lamang ang ibang ka-trabaho niya sa serye ang napupuno na sa kaniya, maging ang ka-loveteam niya. Napakadominante raw kasi nito at gusto ay sunud-sunuran na lang siya. Alam niyo bang naikuwento niya sa kaibigang young actor ang sentimyento niya at tinanong dito kung ano kaya ang gagawin niya kapag nawawalan ka na ng gana sa taong minahal mo naman dati.

Nati-turn off na raw kasi si aktor sa kanyang kapareha. Kaso malakas pa ang loveteam nila kaya no way out muna sa kaniya. Tiis tiis na lang muna.

ROMMEL PLACENTE:Kung ganyan ang ugali ng young actress ay baka sa kangkungan na pulutin ang kanyang career. Kung naiimbudo sa kanya ang mga katrabaho niyang mga artista at production staff,hindi ba niya naiisip na baka maikwento siya sa iba at yung ibang makakatrabaho pa lang niya sa mga future projects niya ay baka tanggihan siyang makatrabaho.At baka ang maging ending ay siya na lang ang tanggalin sa proyekto di ba mga ka- Cuatros?

Dapat hanggat kaya pa,at hindi pa gaanong mahaba ang sungay ni young actress ay pagsabihan o payuhan na siya ng kanyang manager na magbago na.

Sana ay maging mabait sa mga nakakatrabaho at maging professional.Sayang si young actress,sikat na rin siya kahit paano at ganundin ang loveteam nila ni young actor.

Kung ganyang may attitude siya ay baka yung ka-loveteam niya lang ang solong bigyan ng project at hindi ang loveteam nila. Sayang naman siya dahil malaki pa naman ang potensyal niyang maging big star.

RODEL FERNANDO: May mga nababalitaan nga ako sa kamalditahan niya kahit noong bata-bata pa siya.

Ngayong nagkaedad na siya ay lumaki siyang maganda. Pero lumala ang attitude problem niya. Totoo namang sumikat siya kaya lang puwede makasira ang hindi kagandahan niyang ugali.

Kasi sa totoo lang kung sakaling magsolo siya ay baka di sya ganun kagatin ng mga tao. Proven na kasi na malakas at may chemistry ang loveteam nila ng cute na aktor. Kung magdidiwara siya ay baka mabawasan ang kanyang mga tagasuporta.

Tama ka ka-Cuatros na Rommel dapat nga siyang pagsabihan at turuan ng leksiyon. Hindi maganda ang uma-attitude lalo pa’t hindi pa siya big star na maituturing. Baka nga ang ending kapag nagpatuloy siyang ganyan ay pulutin nga siya sa kangkungan.

SM food to go Banner Ad

ROLDAN CASTRO: Nangangamba ako sa napapabalitang attitude ng young actress.

Kahit sa lock-in taping ay napansin ng mga veteran stars ang kakaibang asal nito.

Sey raw ng isang senior actor , nakikita raw niya sa batang actress ang attitude dati ng isang sikat na aktres. Ang tinutukoy niyang big star ay laos na ngayon at nahihirapang bumalik. Hindi na siya pinagkatiwalaan na kunin sa serye dahil sakit siya ng ulo.

Pati ang isang magaling na female star ay galit daw sa anak-anakan niyang ito dahil pasaway na sa set.

Samantala, gusto na rin daw magsolo ng katambal ng young actress.

Sukang-suka na raw siya sa pag-uugali ng ka-loveteam niya. Kahit ang mga co-stars nila ay awang-awa na sa bagets actor dahil sa pinaggagawa ng young actress.
Pinagsabihan din ang batang actor na huwag munang iwan ang love team dahil may next serye silang gagawin .

Pero dapat maalarma ang young actress sa nararamdaman ng ka-loveteam niya. Nakalimutan niya siguro na dumaan siya sa ibang partner pero dito lang siya nag-click.

True din kaya na feelingera ang batang aktres kaya buwiset na rin ang director sa kanya? Exaggerated lang kaya ang tsismis na nakikialam siya sa script at ayaw niyang mabigyan ng highlight scene ang kasamahan niyang young actress sa show?

Naku, bakit hindi siya gumaya sa SethDrea, KyCine na cool lang ang samahan sa taping? Dapat siguro mag-seminar siya sa mga ito kung paano maging mabait sa taping at sa mga katrabaho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.