Abante Tonite Interactive

Young actress type magpatikim sa leading man

2,443

tonite-no-thanks-cristy-ferminPasalamat ang isang magandang young actress dahil hindi mapagsamantala ang guwapo niyang leading man.

Mabuti na lang at marespeto sa mga kababaihan ang male personality dahil kung magpapairal ito ng init ng kanyang libido ay siguradong nakatikim na siya.

Halatang-halata ng kanilang mga kasamahan sa isang serye na lumalalim na ang pagkagusto ng girl sa kanyang leading man.

Nagpapakita na siya ng mga senyales na talagang any moment ay bibigay na siya sa guwapong binata.

Kuwento ng isang source, “Kitang-kita naman na type na type niya ang guy. Pinakagusto nga niyang eksena ang naghahalikan sila. Kung puwede lang na ipa-take five niya ang ganu’ng eksena, e, gagawin niya, para paulit-ulit silang maghalikan ng guy.

“Ang galing-galing naman kasing humalik ng lalaking ‘yun, very tender, with matching respect pa, kaya ayun, hulog na hulog na sa kanya ang leading lady niya.

“Hindi na maitatago ng girl ang nararamdaman niya sa guy, bigay na bigay na ‘yun, pero deadma lang muna ang lalaki sa mga ipinakikita niya,” unang kuwento ng aming impormante.

Pero tao lang ang kanyang leading man, marupok at mapusok, kaya baka isang araw ay tablan na rin ang aktor sa mga ipinakikitang motibo sa kanya ng magandang young actress.

Balik-kuwento ng aming source, “Pupusta ako, hindi matatapos ang pinagbibidahan nilang serye na walang nangyayari sa kanila. Kahit pa hindi sila magkarelasyon, siguradong may magaganap, sa totoo lang!

“Natural, palay na ang lumalapit sa manok, magiging choosy pa ba siya? Kapag umandar ang libido ng lalaking ‘yun, siguradong magkakaroon ng digmaan sa kama!

“Nagpipigil pa sa ngayon ang male personality, pero hanggang kailan niya ‘yun magagawa? Ang ganda-ganda pa naman ng girl, sexy pa, para siyang doll!” pumupustang pagtatapos ng aming source.

KathNiel nagpauso ng midnight screening

Grabe ang lakas na ipinakikita sa takilya ng pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ngayon lang kami nakarinig ng midnight screening.

Nitong weekend ay punumpuno ang mga sinehan ng The Hows Of Us, hanggang sa last full show ay punumpuno pa rin, kaya maraming gustong manood na umuuwi na lang at babalik kinabukasan sa mas maagang oras.

May 240 cinemas na ngayon ang pelikula, meron na rin silang midnight screening para mapagbigyan ang mga matiyagang naghihintay, nagdagdag ng mga sinehan para sa pelikula nina DJ at Kath.

Kumalat kasi nang kumalat kung gaano kaganda ang pelikula. Bigay na bigay nang kayang-kayang pakitain ng KathNiel ang movie, pero napakalaking bagay para sa tagumpay nito ang mga kuwentong nagpasalin-salin ng bibig, kaya pati hindi naman mga tagasuporta ng loveteam ay naeengganyong manood.

Ang pamilya ng isang kaibigan naming guro ay nagsi­guro na, bandang hapon nang dumayo sila sa isang sinehan sa Alabang, pero dusa pa rin ang kanilang inabot para lang makapanood.

“Sis, ano ito? Pila ng bigas? Grabe, para kaming pumila sa nagrarasyon ng bigas para lang kami makabili ng kakainin namin! Imagine, napakahaba ng pila, e, maaga na nga kaming dumating sa sinehan.

“Ang ibang friends naman natin, sobrang late na silang makakauwi kung kukuha sila ng screening nang 11:20 nang gabi, kaya kinabukasan na rin sila bumalik at nanood.

“Pangako ko kasi sa mga anak ko na panonoorin namin ang The Hows Of Us. Alam mo naman ang mga millen­nials, ayaw nila nang hindi sila nakaka-relate sa mga kuwentuhan!” kuwento ng aming kaibigang teacher.

Hanggang ngayon ay nangangalaykay pa rin ng pera ng bayan ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Midnight screening. Ngayon lang nagkaroon ng ganu’n.