Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young bagong kontrabida ng NY

0 225

Naisahan ni Trae Young si Julius Randle sa opening game ng kanilang NBA Eastern Conference first-round playoffs series.

Nahulog sa net ang runner sa lane ni Young 0.9 seconds na lang sa orasan at naligtasan ng Atlanta ang New York 107-105 Linggo ng gabi.

Maingay ang 15,000+ crowd sa Madison Square Garden, walong taon ang hinintay bago muling nakita ang playoff game ng Knicks.

Pinatahimik sila ni Young.

Para siyang si Reggie Miller ng Indiana noong 1990s na kinainisan ng Knicks crowd dahil laging kontra-pelo ng New York.

Inatake ni Young ang depensa ng Knicks bago binuhat ang tira bandang kanan ng basket bago nilagay ang daliri sa bibig – ssshhh!

“I’ve always looked at it that I’m doing something right if I’m affecting them with my play that much that they hate me that much,” ani Young, bagong kontrabida sa New York.

Tumapos si Young ng 32 points, 7 rebounds at 10 assists, nagdagdag si Bogdan Bogdanovic ng 18 para sa Hawks. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.