Abante Tonite Interactive

Young, Blazers niligwak ang Altas

227

Mga laro bukas: (EAC Gym)
4:00pm — San Beda U vs EAC

Pabibo sina Carlo Young at Kendrix Belgica para isiksik sa top spot ng team standings ang College of Saint Benilde pagkaraang tus-tahin ang University of Perpetual Help, 75-63, sa 95th NCAA basketball tournament elims Martes ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Tumipa si Young ng 14 points at sumukli si Belgica ng 12 markers para masilo ng Blazers ang malinis na dalawang panalo at saluhan sa tuktok ang defending champion San Beda University at San Sebastian College.

Naghabol ang Taft-based squad sa unang dalawang quarters kung saan iwan ito ng 26-33, sa halftime bago uminit sa third canto para maagaw ang unahan, 49-41 papasok.

“It was chippy out there, it was rough. Well, I guess that’s how playoff games are,” saad ni TY Tang.

Sinikap ni Jielo Razon na maibalik sa Altas ang unahan pero naging matatag ang Blazers sa endgame. (Elech Dawa)