Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young celebrity binaril ang show

0 961

Trabaho na, naging bato pa. Ganu’n mismo ang nangyari sa isang young female personality na plantsado na sana ang pagkakaroon ng show sa isang network pero nabulilyaso pa.

Sa panahong ito pa naman ay hindi na choosy ang mga artista, parang ginto ang ibig sabihin ngayon ng trabaho para sa kanila, napakalaking kawalan para sa kanila ang pagsasarado ng pintuan ng kanilang pinagseserbisyuhang network.

Kuwento ng aming source, “Konting-konti na lang talaga ay makakalundag na sana ang girl sa kabilang bakod. Sa mga panahong ito, e, nag-aagawan ang mga artista sa work, meron na sana siya, kaso, nabulilyaso pa!

“Magkakaroon sana siya ng show na kakaiba sa mga ginagawa niya, nag-usap na ang manager niya at ang production pero may nangyari pa!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Nakarating pala ang pagkakaroon sana ng programa sa istasyon ng young female personality sa isang malaking personalidad na nagtatrabaho sa network.

Patuloy ng aming source, “Naharang ang show niya, kasi, nakarating sa management ng network na nu’ng minsang gusto siyang interbyuhin sa show nu’ng big personality, e, inisnab niya ang programa.

“Wala siyang panahong makipag-usap, ipinasa niya sa ibang tao ang phone nu’ng tinatawagan na siya. Natural, nagdamdam sa ginawa niya ang big personality ng network!

“Para nga namang bastusan na ang mangyayari kung magtatrabaho siya sa network na dati, e, ni hindi nga niya pinahahalagahan, di ba? So, ano ang nangyari sa project na para sana sa kanya?

“Biglang waley! Burado! Natural lang na ang pinroteksiyunan ng network, e, ang personalidad nila na inetsapuwera nu’ng young female personality nu’ng kailangan ang side niya.

Related Posts

“Sayang na sayang! Maisasalba na sana siya sa kawalan ng trabaho, pero naudlot pa? Kasi naman, kapag may time, mag-isip-isip din! Sayang ang door ng network na magbubukas na sana para sa kanya!” pagtatapos ng aming impormante.

Kampo ni Sarah imbyerna kay Angel

Sayang ang pagsisimula. Napakaganda na ng kartada ng pangalan ni Angel Locsin nu’ng una pero nabahiran ‘yun ng kanegahan sa sobrang dulas ng kanyang dila nitong mga huling araw.

Kapuri-puri ang mga ginagawa niyang pag-ayuda sa mga kababayan nating nangangailangan, kumikilos siya nang tahimik lang, pero minarkahan siya ng mga kababayan natin sa pangungunsensiya-panunumbat niya sa ibang mga artista ng ABS-CBN na sa kanyang palagay ay hindi nakikipaglaban.

Naging masyadong emosyonal si Angel sa pagtatanggol sa ipinasarado nilang network, sobrang apektado siya, kaya pati ang mga kasamahan niyang artistang hindi sumisigaw na tulad niya ay napagdiskitahan ng aktres.

Galit na galit kay Angel ang mga tagasuporta ni Sarah Geronimo at ng iba pang mga personalidad na pinatutsadahan niya sa hindi paglaban para sa kanilang istasyon.

‘Yun ang mga artistang ayon kay Angel Locsin ay nagpapa-cute lang sa Instagram habang nag-iiyakan at problemado na ang kanilang mga kasamahang nawalan ng trabaho dahil sa pagpapasarado sa kanilang network.

Maaaring tama ang kanyang punto, pero masyadong madiin ang kanyang pananalita, parang pinalalabas niya na walang utang na loob ang mga artista ng ABS-CBN na hindi man lang sumisigaw sa pagpa-padlock sa pintuan ng kanilang pinagtatrabahuhang bakuran.

Naging sobrang passionate si Angel Locsin sa kanyang pakikipaglaban, hindi niya namamalayan na sa mga salitang binibitiwan niya ay marami na siyang nasasagasaan, ang positibo niyang imahe nu’ng una ay nasahugan na ng pagiging nega ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.