Abante Tonite Interactive

Young female model dyowa ng promising young actress

By
2,853

Very visible sa social media ang isang young female model (YFM) dahil promising ito at malakas ang dating.

Kilalang mga celebrity ang mga magulang ni YFM kaya rin madali siyang nakapasok sa industriya at nakuhang brand ambassador.

Model na model at puwede ring isabak sa beauty pageant si YFM, pero deep inside ay meron siyang pusong macho.

Yaass! Miyembro ng Tung Dynasty si YFM at hindi boylet ang bet niya kundi girlilet. In fact, ang secret girlfriend ni YFM ay isang promising young actress (PYA).

Alam ng malalapit na kaibigan ni PYA ang tunay nitong pagkatao, kaya kahit may ka-close itong mga young actor, walang malisya ‘yon dahil hindi sila talo. Bebot ang bet ni PYA.

Nagswak at nagklik sina YFM at PYA kaya happy sila with each other. Hindi nga lang nila ito mailantad sa publiko dahil meron silang kanya-kanyang career na papaganda pa lang.

Kaya pala walang young actor na nali-link kay PYA dahil iba ang hanap nito. At natagpuan niya ‘yon kay YFM.

Sa tuwing nakikita namin sa social media si YFM ay pansin namin na meron talaga siyang kakaibang anga­s at kaastigan kahit pa sexy ang suot niyang damit.

Kasi nga ay mukhang nadaig ‘yung sa beauty queen at mas lumamang ‘yung dugong action star na nananalaytay kay YFM!

Jennylyn lie low sa pelikula

Wala pala munang gagawing pelikula this year si Jennylyn Mercado dahil focused siya sa Kapuso primetime series niyang ‘The Cure’.

Sey ni Jen, madugo ang nasabing epidemicsery­e at malalaki ang mga eksena nito kaya pag-uwi niya ay pahinga na siya.

Umaaksyon-aksyon dito si Jen, na in fairness ay ine-enjoy niya. Mas hirap daw ang leading man niyang si Tom Rodriguez dahil mas marami itong stunts at fight scene nang walang double dahil kaya nito.

Sa pagkakatanda ni Jen, ang pinaka-daring na stunt na nagawa niya ay sa superhero movie ng Regal Films na ‘Super Noypi’ (2006) na nakakapit siya sa bar ng lumilipad na helicopter tapos ay nagpaikot-ikot ito sa ere.

May harness naman daw siya, pero wala siyang choice dahil nakatutok sa kanya ang kamera at ‘yun daw ang sabi ng producer ng movie na si Mother Lily Monteverde.
Napapanood ang ‘The Cure’ gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng ‘24 Oras’.