Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young female personality kakalkalin ang video scandal

0 79

Magsisigaw man sa ituktok ng bundok ngayon ang mga talunan sa nakaraang eleksiyon ay wala nang magaganap na himala.

Nagsalita na ang bayan, sa ayaw at sa gusto ng mga nagmamarakulyo ngayon ay wala nang silbi ang kanilang reklamo, kailangan na lang nilang tanggapin ang katotohanan na ang talo ay talo.

May mga personalidad na hanggang ngayon ay galit na galit sa kinalabasan ng bilangan. Nagpakalalim kasi sila sa pagsuporta sa kanilang minanok na politiko, pero natalo.

Kung ang ipinaglaban nga nilang politiko ay nanalamin na at sinabihan ng kanilang kunsensiya na tanggapin ang katotohanan ay bakit hindi na lang din ganu’n ang gawin ng mga talunang ito?

Kapansin-pansin ang pagiging hard loser ng isang bata-bata pang female personality na nasa gitna ng giyera ngayon. Lahat ay inaaway ng babaeng ito, wala siyang pinalalampas, baril lang siya nang baril nang walang direksiyon.

Sabi ng aming source, “Napakatigas ng ulo ng babaeng ‘yun! Hindi mo tuloy malaman kung nagtatapang-tapangan lang ba siya dahil sa kasyungahan niya o naghahanap lang siya ng attention!

“Ang ibang mga kasamahan nga niyang nagpakalalim din sa pagsuporta sa manok nila, e, hindi na kumikibo, pero siya naman, e, talak pa rin nang talak!” unang reaksiyon ng aming impormante.

Ayon sa marami ay ang female personality pa ngang ito ang dapat manahimik na lang. Kapag kasi may sobrang nainis sa kanya ay baka may kumalkal sa isang nakakahiyang karanasan na siya ang bumibida.

Patuloy ng aming source, “Maghinay-hinay siya dapat. Huwag na siyang makuda. Baka may mapuno kasi sa kagagahan niya at ilabas ang isang nakapa-shocking na video na hindi niya puwedeng idenay!

“Walang takot ang babaeng ito! Nakikipagkabugan siya sa mga taong hindi kayang tumanggap ng pagkatalo! Wala pa nga siyang alam tungkol sa politics, pero kung magsalita siya, e, parang napakatagal na niyang bumoboto!

“Magtigil nga siya! Asikasuhin na lang niya ang lovelife niya! Du’n na lang siya mag-concentrate, dahil kapag nabulaga siya ng nakaraan niya, e, maloka-loka siya!” inis na pagtatapos ng aming source.

Leave A Reply

Your email address will not be published.