Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young, Hawks dinagit Mavs

0 197

Umiskor ng 11 pataas ang limang starter ng Atlanta sa pangunguna ni Trae Young at dinagit ng Hawks ang Dallas Mavericks 113-87 sa State Farm Arena sa Georgia Huwebes ng gabi.

Inumpisahan ni Young ang season sa 19 points at 14 assists, may 16 markers at 9 rebounds si John Collins sa Hawks na 45 of 94 sa field at 15 for 35 sa 3-pointers.

Namuno sa Atlanta ang 20 ni Cam Reddish off the bench.

Nagtistis ng halos triple-double na 18 points, 11 rebounds at 7 assists si Luka Doncic pero hindi naihatid si Jason Kidd sa panalo sa kanyang debut bilang coach ng Dallas.

Bago ang laro, tinanggap ni Kidd ang balita na isa siya sa tinanghal na 75 greatest players ng NBA bahagi ng 75th anniversary ng liga.

Kinontrol ng Hawks ang laro sa dominanteng third quarter nang pabukahin ang 51-44 halftime lead sa 86-64 pa-fourth. May 12 pts. at 9 asts. sa period si Young na hinarana ng “MVP! MVP” chant ng home crowd.

“It’s a good problem to have,” pakli ni Young. “We’ve got so many guys who can play.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.