Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young, Hawks tinaktak Knicks

0 200

Sumakay ang Atlanta sa 27 points, 9 assists ni Trae Young para ilipad ang 113-96 win laban sa New York at 3-1 lead sa NBA East first-round sa Georgia Linggo ng gabi.

Biyaheng Madison Square Garden sa New York ang Hawks para subukang isara ang serye sa Game 5 sa Huwebes (araw sa Manila).

Nagdagdag ng 22 points si John Collins at 21 pa kay Danilo Gallinari off the bench sa second straight win. Tinapos ni Collins ang laro na may apat na tahi sa upper lip matapos banggain sa mukha ni Julius Randle.

Kinontrol ng Hawks ang laro sa 35-point third quarter nang pabukahin ang manipis na 53-49 lead sa break tungo sa 88-71 papasok ng fourth.

Nang dumistansiya sa 26 ang Atlanta, inubos na ni coach Nate McMillan ang bench.

Sinasabayan ng nakakabinging sigawan ng “Overrated! Overrated!” si Randle tuwing titira. Hindi na magkarinigan sa State Farm Arena nang sumablay ang drive ng Knicks star bago niluwa ng rim ang put-back.

Tumapos pa rin si Randle ng team-high 23 points, 10 rebounds at 7 assists. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.