Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young, Hawks tinuka Hornets

0 33

Kumapit ang Atlanta Hawks sa 20 points at 15 rebounds ni Clint Capela para ipagpag ang bumisitang Charlotte Hornets 115-105 Sabado ng gabi sa 2021-22 NBA regular season game sa State Farm Arena sa Georgia.

Lima pang players ng Atlanta ang umiskor ng 15 pataas sa pangunguna ng 19 ni Trae Young, naghati sa 33 points sina reserves Danilo Gallinari at Cam Reddish at may 17 points si Kevin Huerter.

Dinagit ng Hawks ang pang-apat na sunod na panalo sa akyat sa 8-9 at pinasadsad ang biktima sa 10-8.

Nagsumite ng 35 points at 10 rebounds si Miles Bridges, tumapos ng triple-double na 15 points, 10 rebounds at 11 assists si LaMelo Ball para sa Charlotte.

Bulto ang 102 shots na pinakawalan ng Hornets, 42 lang ang pumasok at 10 for 40 mula sa labas ng arc.

Umagwat ng 10 ang Hawks sa kalagitnaan ng first quarter, nanatili na sa 10 ang lamang sa halos kabuuan ng laro. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.