Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young male singer tinamaan sa bagets aktor

0 73

Nabaliw ang isang katotong manunulat sa kanyang nasaksihan sa isang pagtatanghal.

Hindi naman niya katabi ang young actor pero ito ay kahilera niya sa upuan. Hindi makakailang guwapo talaga ito at hindi naman ito umaarte nang hindi tama habang ini-enjoy ang palabas.

Ang dahilan kung bakit nagdabog ang bangs ni katoto, ang susunod na aawitin ng young singer ay dedicated sa young actor.

Ang kinanta ni young singer na dedicated para sa young actor ay “Dying Inside” na ang mga letra ay : “And I was dying inside to hold you. I couldn’t believe what I felt for you. Dying inside, I was dying inside. But I couldn’t bring myself to touch you.”

Ang kulit sa imahinsayon ni katoto, ang awit bang kinanta ni young singer ay simpleng pag-amin ng kinikimkim niyang damdamin para kay young actor?

Si young actor na diumano ay mesmerized by the song number ni young singer.Napagtanto na niya kaya na ang dedicated song ay isang impit na pagsigaw ng nagmamarkulyong damdamin?

My gosh! BL moment realness ang kaganapan sa young singer na in heat and in love sa young actor. Deadma naman at umaarteng clueless ang huli na siya ang object of affection.

The WHO sina young actor at singer? Naku, naku, naku! Pareho silang yummy at kahit sinong young miss eh magkaka-crush sa kanila .Talaga namang katangi-tangi ang kisig at kaguapuhan nilang dalawa.

Kung ito ay hero worship lamang o talagang can this be love am I feeling right now para kay young singer para kay young actor ang saya-saya hindi ba naman?

At sa katotong manunulat, wah ka na maintriga noh! Good vibes at love,love, love ang iyong i-celebrate para happiness overload.

Leave A Reply

Your email address will not be published.