Abante Tonite Interactive

Young star nagkaroon ng amnesia

By
0 508

Naloka ang isang reporter friend sa ginawang pandi-deadma sa kanya ng isang young star nang magkita sila sa opening ng isang salon.

“Kaloka, ang batang nagkaroon ng amnesia,” ang pailing-iling pang sabi nito.

Nawindang lang siya dahil ilang linggo lang ang nakaraan nang mainterbyu nito ang young star sa isang radio program. Co-anchor siya at naging guest nila ang young star. Nag-promote kasi ng movie kung saan isa siya sa mga bida. Maganda ang movie, napapanahon at dinirek pa naman ito ng isang award winning director. Ang nakalulungkot lang, isang disaster sa takilya ang naturang pelikula.

Sa nasabing interbyu, napakadaldal ng young actress. Kinuha niya isa-isa ang mga pangalan ng anchors. Paulit-ulit pa niyang binabanggit para makabisado. Off the air, baligtad ang nangyari. Ang young actress pa ang nagtatanong. Kung ano-ano ang mga itinatanong sa mga anchor. Nagkuwento rin siya nang mahaba tungkol sa kanyang buhay.

Hanggang sa matapos ang interbyu at nagpaalam na ang young star na may kasamang beso. Binanggit uli ang mga name ng mga anchor.

All smile pa nga ang aming friend na reporter-anchor dahil feeling close na ito sa young star. Pakiramdam niya, kilalang-kilala na siya ng young star na produkto ng isang reality show.

At ‘yun nga nagkita ang dalawa. Naloka ito dahil hindi na siya kilala ng young actress. E, ilang metro lang ang kanilang layo sa isa’t isa. Two weeks ago pa lang ang interview. Nakikiramdam ito, pero wala pa rin. Deadma talaga ito sa kanya. As in nagkaroon ng amnesia. Napa-ahh at napa-ohh na lang ang nalokang reporter.

“Hmmp, sa isang basong tubig pa lang ay nalunod na siya,” nakaismid pang sabi nito.