Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Young starlet ‘pinatigas’ ang nota ng aktor, mahilig sa kandong

0 299

NI: ALWIN IGNACIO

Magandang-maganda naman ang young starlet na ito. Siguradong alam niya na siya ay talagang beautiful kaya hindi niya matanggap kung may nakakaungos sa kanyang pagiging maganda at pagmamaganda.

Piping saksi rin ang marami sa likas na kalandian nitong si young starlet. Marami ang nawiwindang sa tuwing masasaksihan ang pagkandong-kandong niya sa isang male starlet sa kanilang taping kahit pa nga marami namang mga upuan na puwedeng dun siya umupo.

Tiyak betchay na betchay nitong si young starlet, kung totoo at hindi kuryente ang kandungan chika. More chances of winning na kumislot at tumigas ang ari-arian ni male starlet. Very Mae West lang ang drama na “is that a gun in your pocket, or you are just happy to see me” ang mga para-paraang pagkandong ni young starlet.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa isa ring pagtitipon dati, hindi napigilan nitong si young starlet na habul-habulin ang isang aktor para makapag-strike a pose and vogue.

Naku, young starlet sa taglay mong ganda at natural na panghalina. Hindi mo na kailangan gamitin ang kalandian card para mapansin ng hommes.

Maging kumpiyansa ka lang, sinsero .Hayaan mong ang iyong gandang panloob ang lalong magpamukadkad sa iyong gandang panlabas, winner ka na agad, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.