Abante Tonite Interactive

Young umiyak kay mommy

320

Emosyonal, kulang­ na lang ay maiyak si Trae Young nang makumpirma na starter siya ng East sa National Basketball Association All-Star Game.

Tulad ng ibang players, nasa isang kuwarto si Young kasama ng ina at ilang teammates Huwebes ng gabi, pinanood sa TNT ang announcement ng starters ng Game sa United Center, Chicago sa Feb. 16.

Nang mabanggit­ ang pangalan ay halatang nag-iba ang timpla ni Young.
Nakatalikod ang player sa kuha ng video,­ pero maya-maya ay inaalo na siya ng ina at kinakalma ng teammates.

Sa isa pang video, makikitang niyayakap ng ina si Trae.

Pangalawang taon lang sa NBA ni Young, fifth overall pick ng Atlanta Hawks noong 2018. Nag-a-average siya ng 29.2 points at 8.6 assists sa 40 games ngayong season – impresibo.

Si Trae ang unang Hawks player sa nakalipas na 44 years na nakakuha ng All-Star selection. (Vladi ­Eduarte)