Abante Tonite
Mabilis sa Balita

YouTuber Mika arestado sa Hawaii

0 524

Hinuli umano ng mga awtoridad ang sikat na Pinay Youtuber na si Mika Salamanca matapos labagin daw ang quarantine protocol pagdating sa Hawaii.

Batay sa report ng KITV4 ABC Island News, dumating umano si Mika sa Hawaii noong July 6, at apat na araw pa lang ay lumabas na kaagad ng tahanan na hindi tinapos ang 14-day mandatory quarantine.

Nakita umano ng Hawaii attorney general ang video kung saan sumasayaw sa isang tindahan at kumain sa labas si Mika kahit nasa quarantine dapat ito.

Nagpaliwanag naman si Mika sa kanyang Youtube channel at sinabing tinapos muna umano niya ang kanyang quarantine noong July 20, at negatibo rin naman umano siya sa COVID-19.

Nag-sorry siya sa lahat ng misunderstanding.

“Inaamin ko po na nagkamali ako noong time na dumating ako dito sa Hawaii at agad po kaming lumabas,” giit ni Salamanca. “As far as I can remember na-settle na namin yun.”

“Kung meron po talaga akong nilabag, feeling ko dapat ngayon nasa presinto na ako. Pero lahat ng law enforcers na nakausap namin sinabi na we’re not in trouble and we’re good,” aniya pa.

Base sa report, kinailangang magpiyansa umano ng $2,000 si Salamanca dahil sa paglabag sa quarantine protocol. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.