Abante Tonite Interactive

Yu nabalda sa pulikat,Letran ‘papakamatay’

268

Babangon ang Letran Knights, sa pangunguna ni Most Improved Player Fran Yu, sa do-or-die ng best-of-three finals ng 95th NCAA men’s basketball tournament kontra defending cham­pions San Beda Red ­Lions sa Mall of Asia Arena alas-kuwatro nang hapon.

Aasa muli ang Letran kay Yu matapos gumawa ng 23 markers sa 76-79 loss kontra Beda sa Game 2.

Abot-kamay nan g Knights ang korona sa Game 2 sa pa­ngunguna ng 5-foot-10 guard ngunit sa kasamaang palad ay kinailangan niyang maupo hanggang endgame dahil sa pinulikat na ito.

“Ang sakit kasi wala akong natulong sa team nung endgame,” pahayag ni Fran.

“Hindi talaga kaya [bumalik sa court] kasi umangat na talaga [‘yung cramps] – umangat na kaya binuhat na lang nila ako kasi hindi ko talaga kayang maglakad.”

Pero tiniyak naman nito na pag-iigihan pa niya at all-out na ang ibubuhos nito upang mabigay ang kampeonato sa Intramuros-based squad.

“Magiging mas ready lang kami. Lalaruin ko lang kung anong laro ko.Kapag nagsho-shoot ‘yung tira ko – titira ako nang titira.”

Makokonsidera nang ito ang isa sa ­pinakamagandang performance ni Yu ­matapos magpasiklab din sa ­stepladder semis. (Aivan ­Episcope)