Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yu senti sa MOA

0 186

Kung may isang lugar na nami-miss at gusto ngayong puntahan ni National Collegiate Athletic Association NCAA Season 95 men’s basketball tournament Finals MVP Fran Yu, ‘yan ay ang Mall of Asia Arena sa Pasay.

Napadaan sa SM complex ang Colegio de San Juan De Letran Knights 21-year-old, 5-foot-10 playmaker habang naglilibot-libot gamit ang kanyang bike.

Tapos magmuni-muni sa pagronda’y nag-sentimyento ang basketbolista.

“Miss you,” caption ng 2019-20 Most Improve Player ng liga sa picture ng MOA Arena kasama ang emoji na basketball, sa kanyang Instagram account kahapon.

Sa MOA unang naranasan ng Letran guard ang tamis ng pagiging kampeon nang yanigin Intramuros-based squad sa best-of-three finals ang San Beda Red Lions noong Nobyembre. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.