Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yuka 50th place, may ₱178K

0 410

Malamig sa third at final round si Yuka Saso para magsumite lang ng two-over par 74 pa-total 218 at makabilang sa triple-tie para sa 50th place na may ¥400K (₱178K) each sa wakas Linggo ng 12th T point x Eneos golf tournament sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, Japan.

Nagreyna sa tatlong araw na torneo si local bet Sakura Koiwai na may 70-206 para sa two-stroke win sa tatlong nagtablahan sa 2nd-4th na mga kababayan niyang may mga identical 208.

Sunod sa radar 19 na taong-gulang na Fil-Japanese na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan ang Axaledis Golf Tournament in Miyazaki 2021 sa UMK Country Club sa Miyazaki Prefecture , na 1tth leg ng 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21 at pang-apat niya sa taong ito.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.