Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yuka ika-13, P4M premyo

0 110

Tinuldukan ni Yuka Saso ang kampanya sa one-over 72 para sa five-over 289 at makibuhol sa pito sa ika-13 puwesto na may $96,800 (₱4.6M) bawat isa sa pagtiklop ng $5.5M 75th US Open Women’s Golf Championship 2020 na pinagreynahan ni A Lim Kim ng South Korea via stroke sa Champions Golf Club sa Houston, Texas nitong Lunes.

SM food to go Banner Ad

Pumukpok ng day’s best 4-under-67 ang 25-yearold, 5-foot-9 world major debutant para maging pampitong player dito na nagposte ng five-stroke comeback final round at magwagi sa four-day total (-3, 281) upang sungkitin ang $1M (₱48M) top purse.

Sumegunda ang kababayan niyang si Jin Young Ko (69) at si opening round leader American Amy Olson (72) sa tig-282 at may $487,286 (₱23M) each, habang solo sa tersera ang second-third round leader na si Hinako Shibuno ng Japan (72, 283) na may $266,779 (₱12.8M). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.