Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yuka laglag

0 85

Kinapos ng dalawang palo ang paghabol si Yuka Saso nang mag-bogey sa No. 17 sa bahala nang tirada upang makaiwas sa elimination, nag-two-under 70 upang humanay sa triple-tie sa 67th at mabaklas sa finals ng 36th Itoen Ladies Golf Tournament sa Great Island Club course sa Chonan Town, Chiba Prefecture, Japan nitong Sabado.

Ibinadya ng Fil-Japanese ang matinding pagbalikwas mula sa one-over pa-five overall, nakapagsubi ng tatlong sunod na birdie buhat sa third hole at lumapit sa dalawang palo pa-cutoff ma even par.

Kaya lang kumabyos siya Nos. 6-7 at nasayang ang isang palo sa No. 8 bago ang isa pang birdie para sa 34-36.

Kasama ang 76 sa opening na worst round niya sa 11 torneo ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, may 144 lang si Saso.

Dalawang palong kapos sa top 50+ ties na may 144 na mga sumulong sa pinale, habang inagaw nina local bets Ayaka Furue at Hiraku Yoshimoto ang tuktok kay first round leader Korean Kim Ha Neul sa 134 tapos ng 65 at 66. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.