Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yuka may 1-shot lead sa US Open

0 188

ISINALPAK ni 2018 Asian Games double gold medalist Yuka Saso ang dalawang birdie sa huling apat na hole upang burahin ang apat na stroke na pagkakaiwan tungo sa pagkapit nito sa isang hole na pangunguna sa U.S Women’s Open sa San Francisco, California.

Hindi alintana ng 19-anyos na si Saso ang maagang dominasyon ng kapwa nito teenager at 17-anyos na amateur na high school junior sa New Jersey na si Megha Ganne bago ntio ipinasok ang krusyal na dalawang birdie sa natitira na apat na hole upang kumpletuhin ang ikalawang round sa total na 67.

Nagkasya si Ganne sa even-par 71 sa second round ng torneo na ginanap sa Olympic Club Biyernes.

Dalawang shot ito napag-iwanan ni Saso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Unang itinala ni Saso ang 69 noong Huwebes bago idinagdag ang 67 sa ikalawang round na tinampukan nito ng impresibong save par matapos ang tee shot nito ay mapunta sa malalim na damuhan sa ikatlo nito sa huling hole.

“If I go in the rough, my mind set is just to go for the fairway,” sabi ni Saso. “I mean, it’s really long and sticky. It’s really hard to get on from it. But yeah, I’m glad that I’m a little bit good out of it.”

Si Jeongeun Lee, na 2019 champion mula South Korea, ay nagawang i-birdie ang tatlo sa kanyang huling apat na hole para sa 67 at tumapos na isang shot sa likuran ni Saso sa Lake Course.

Ang American na si Megan Khang ay tabla sa ikaltong puwesto si Ganne sa 4-under. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.