Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yuka pangalawa sa round 1

0 158

Sa tulong ng eagle sa pang-14 na butas at apat na birdie, pero may apat ding bogey, sinalpak ni Yuka Saso ng Japan ang four-under par 68 (35-33) para tumabla sa four-way tie sa second spot tapos 4th Hilton Grand Vacations Tournament of Champions 2022 18-hole sa Lake Nona Golf and Country Club sa Orlando, Florida Huwebes.

One-stroke down lang ang 20-anyos na tubong San Ildefonso, Bulacan na nagpalit ng citizenship sa nakaraang linggo at kinakalinga pa rin ng ICTSI, kay solo leader Gaby Lopez ng Mexico sa 29-player field, hiwalay sa 50-celebrity.

Ang 72-hole, four-day, $1.5M (P76.8M) golfest ang opening ng may 34-leg 73rd Ladies Professional Golf Association Tour 2022.

Sasabak na sa pangalawang yugto ang isa sa dalawang pambato ng ‘Pinas na si Bianca Isabel Pagdanganan sa Enero 27-30. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.