Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yuka papaalam pa LPGA play sa pamilya

0 56

Kasama ang five-year exemption sa Ladies Professional Golf Association Tour ang isa sa natamong mga papremyo ni newly-crowned 76th US Women’s Open champion Yuka Saso sa San Francisco, California nitong Linggo (Lunes sa Maynila).

Bukod pa iyon sa $1M (P47.6M) cash prize, Mickey Wright gold medal at silver Harton S. Semple Cup.

Pero hindi pa makapagpasya sa full time play ang 19-year-old, top Philippine at ICTSI shotmaker sa pribilehiyo sa US-based LPGA Tour.

I’m going to talk to my dad, my family about it, and we are going to decide after,” litanya niya sa unang press conference pagkaraan nang makasaysayang tagumpay.

Binago ang Popov rule upang makapasok ang player sa Tour kahit na hindi pa miyembro o hindi, tulad ni Saso na hindi pumasa Qualifying School noong 2019 at pinalad na makalusot Japan LPGA Tour bago nag-qualify sa major event. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.