Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yul, Alfred inaabangan ang boto sa Dos

0 1,257

NI: ALWIN IGNACIO

Sa Lunes, ang Kapulungan ng mga Kinatawan, magdedesisyon na tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Matapos ang mahaba-habang baliktaktakan at kung ilang panahong pag-hihintay, ang mga kinatawan ng Kongreso, magkakaalaman na kung ilan ang pabor at hindi pabor na maibigay sa Mother Ignacia situated network ang inaasam at ipinagdarasal nilang prangkasisa.

Related Posts

More than any other members in the House, may chance na maging all eyes kina Alfred Vargas, John Marvin Nieto aka Yul Servo, Strike Revilla at Precious Hipolito Castelo dahil sila ang may showbiz connections sa mga kinatawang boboto para sa prangkisa.

Hindi nga ba kasali sa mga boboto sina Representatives Vilma Santos-Recto at Lucy Torres- Gomez? Kung sakaling pwede silang bumoto, hindi kaya mag-abstain ang dalawa dahil bukas na aklat naman ang kanilang magandang relasyon sa Dos?

Sa kanilang respective social media sites, sina Vice Ganda, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Enrique Gil, Karla Estrada, Melai Francisco., Jolina Magdangal, Amy Perez, Cherry Pie Picache, Jake Cuenca at iba pa, ipinahayag ang kanilang damdamin kung bakit deserving ang kanilang mother network na mabigyang prangkisa.

Ating ipagdasal na sa pagkakataong ito, ang kabutihan at ang tama ang maghari.

Leave A Reply

Your email address will not be published.