Abante Tonite Interactive

Yulo, Didal sokpa sa Forbes 30 Under Asia

368

Pasok sa listahan ng Forbes 30 Under 30 Asia 2020 Entertainment and Sports sina Pilipino stars gymnast Carlos Edriel Yulo at skateboarder Margielyn Didal.

Sinasaad ang mga napabilang sa talaan na mga magagaling at bagong lider na handa at armado para sa magandang kinabukasan anuman ang pasukin nila.

Nagwagi ng medalyang ginto si Yulo, 19, tubong Ermita, Maynila sa men’s floor exercise ng 19th FIG World Gymnastics Championships sa Germany at sa 30th Southeast Asian Games sa bansa parehas noong isang taon.

Tagumpay naman sa 18th Asian Games 2018 sa Palembang at sa 2019 SEA Games din ang 20-anyos na si Didal.

Pinarangalan din ang Cebu-native skateboarder bilang Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association gaya ni Yulo, at nakabilang sa “25 Most Influential Teens” noong 2018 ng Time.

Sa ngayon, target ni Didal na mag-qualify sa Tokyo Olympics 2021 kung saan bahagi ang skateboarding sa unang pagkakataon.

Naunang nakapasok na si Yulo sa quadrennial sportsfest. (Janiel Abby Toralba)

Tonite – Wendys Inhouse Ad