Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yulo dyinggel lang pahinga sa Tokyo

0 78

Napipitong maging pinakaabala at matagtag nang hustong atleta si 2019 Stuttgart World Artistic Gymnastics Championships/Melbourne World Cup Series gold medalist Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo sa pagsabak sa men’s artistic gymnastics ng 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog ng pandemya sa parating na July 23-August 8.

Agad sasalang ang 21-anyos, 4-11 ang taas at tubong Ermita, Maynila kinabukasan (Hulyo 24) pagkalipas ng opening ceremonies ng quadrennial sports meet sa MAG men’s qualifying events sa iba’t ibang apparatus. Kung makalikom ng sapat na puntos, lalaban siya sa Hul. 28 sa individual all-around finals.

Sakaling makapasok sa pinale ng bawat apparatus, aaksiyon siya uli sa Agosto 1 sa floor exercise at pommel horse finals, rings at vault finals sa Agosto 2, at horizontal bar at parallel bar fnals sa Aug. 3.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maliban sa pet niyang floor exercise at vault, patuloy na naghahasa rin si Yulo sa parallel bars at rings kung saan kumpiyansa ang Japanese coach niyang si Munehiro Kugimiya base sa isang social media post noong Biyernes.

Nag-qualified ang binata gold finish sa 2019 WAGC men’s floor exercise at sa dalawa pang gold din sa 2019 PH Southeast Asian Games.

Dahil sa apat na taon nang nagti-training sa Japan bilang athletic scholar sa pagsuporta ng Philippine Sports Commission, isa siya sa inaasahan ni PSC Charman William Ramirez na na makaka-gold medal. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.