Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yulo maayos ang kalagayan

0 76

Tiniyak ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na maayos ang kalagayan ni world men’s artistic gymnast floor exercise champion Carlos Edriel Yulo nang mapaulat na nagka-injury sa isang ensayo sa bisperas ng Tokyo Olympics 2020.

Sinabing nagka-bruised hip injury Miyerkoles ang 21-anyos at may taas na 4-11 atleta sa landing makaraang mag-triple back routine, pero ayon kay Carrion, taliwas ang ulat dahil dalawang linggo nang nagpapraktis ang manlalaro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kahit may iniindang sakit, hinirit ni Carrion na nakapag-ensayo pa rin si Yulo Huwebes sa Ariake Gymnastics Centre patungo competition sa Sabado, Hulyo 2. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.