Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yulo manggugulat sa Tokyo – coach

0 126

Nakatakdang pasiklabin ni Philippine gold medal hope gymnast Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo ang sorpresa halos 20-araw bago magbukas ang 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog ng pandemya sa parating na July 23-August 8.

Inihayag Biyernes ni Munehiro Kugimiya, ang Japanese coach ng Pinoy athlete mula sa Maynila, ang panibagong pinagtutuunan ng atensiyon ng 21-anyos para sa nalalapit na quadrennial sports festival.

Ito aniya’y patuloy pa ring piniperpekto ni Yulo at kasama sa kanyang routine para sa pagsabak sa men’s artistics gymnastics sa pinakamalaking laban sa career.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“His new favorite apparatus!” ani Kugimiya habang kasama si Yulo sa tabi ng parallel bars sa isang social media post. “He got a bronze medal on PB in all Japan! What do you think his performance!? He reached 15 points level on PB! But you know? He has 2 more favorite events.”

Reigning world champion ang 4-foot-11 sa pet niyang floor exercise na parte na isa sa mga nilalaro sa Individual All-Around, gayundin ang madalas na dominahing vault.

Isa siya sa inaasahan ng Philippine Sports Commission na makaka-gold medal sa Olympics dahil sa apat na taon nang nagti-training bilang athletic scholar sa Japan. Kursunada niyang maging chef. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.