Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yulo may katuwang sa SEA Games

0 188

Sa pagsandal kay reigning world No. 1 men’s floor exercise ranking, champion Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo, asam ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na masungkit ang 10 sa nakatayang 14 na gold medal sa 31st Vietnam Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa November 21-December 2.

Ito ang siniwalat ni GAP president Cynthia Carrion-Norton kasabay sa paglipat ng GAP sa pansamantalang bagong training facility na Club Gymnastica-Makati bilang paghahanda sa biennial meet at iba pang mga kompetisyon gaya ng sasalihan ni Yulo na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset sa July 23-August 8, 2021 dahil sa Covid-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are really focus on all of our chances to win gold medals not just in the SEA Games but also in the Olympics,” giit ng opisyal, na pinasalamatan si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez sa pagsagot sa renta ng training venue.

Hinirit niya na kung malamang mag-isa lang ang ang 20-anyos, may 4-11 ang taas at tubong Maynila na si Yulo sa quadrennial sportsfest, maasahan ng GAP ang mga gold bets ding sina Daniela Reggie dela Pisa at Breanna Labadan sa SEA Games patunay ng mga tagumpay na rin sa ilang international competitions. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.