Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yulo P750K pabuya sa PSC

0 82

Inaprubahan ng Philippine Sports Commission Board of Commissioners ang pagbibigay ng P750K bilang espesyal na insentibo kay Carlos Edriel Yulo na sumungkit ng gold at silver medal sa katatapos na 50th World Artistic Gymnastics Championships 2021 sa Kitakyushu General Gymnasium sa Japan.

Kumakatawan ang P500K sa men’s vault event gold at P250K sa parallel bars silver at maging unang Pinoy multi-medalled gymnast sa taunang torneo

Ipinaliwanag naman ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez Martes, na nakasaad sa provisions at technical conditions ng Republic Act no. 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, na hindi kasama sa batas ang kada taon na ginagawang torneo ng nasabing sport.

Gayunman, dahil kinikilala ng sports agency ang espesyal na karangalang ibinigay ni Yulo, binigyan din siya ng karampatang insentibo.

Binati rin ni Ramirez at pinasalamatan si Yulo sa makasaysayang tagumpay. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.