Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yulo paldo ng P1.7M

0 87

Nakatakdang iuwi ni World vault champion at Tokyo Olympian Carlos Edriel “Caloy” Yulo ang mahigit P1.7 milyong insentibo bilang most bemedaled athlete ng Pilipinas sa katatapos lamang na 31st Southeast Asian Games (SEA) sa Hanoi, Vietnam.

Ito ay matapos na magwagi ang 22-anyos na si Yulo ng kabuuang limang gintong medalya at dalawang pilak sa sinalihan nitong walong event sa gymnastics competiton ng kada dalawang taong multi-sports na torneo.

Solo ni Yulo ang kaakibat na insentibo sa limang ginto at isang pilak habang makakahati nito ang mga kakamping gymnasts na kabilang sa nagwagi sa team event.

Ayon sa Republic Act 10699 o ang Athletes and Coaches Incentive Act, ang isang atleta na mananalo ng gintong medalya sa SEA Games ay tatanggap ng P300,000, P150,00 para sa silver medal at 60,000 para sa bronze.

SM food to go Banner Ad

Hindi pa naman kumpirmado kung makakatanggap ng dagdag na insentibo si Yulo sa pagbura nito sa record ng SEA Games at pati national record sa pagtatala ng matataas na puntos sa sinalihan nitong mga apparatus.

Unang pagkakataon na nagawa muli ni Yulo ang pagwawagi ng limang gintong medalya para sa Pilipinas sa SEA Games sapol na huling nagwagi si Eric Buhain noong 2015 Manila SEA Games. Isa pang gymnast ang nakagawa din magwagi ng limang ginto na si Rolando Albuera noong 1979 sa Jakarta, Indonesia.

Nagwagi si Yulo sa individual all-around, vault, floor exercise, horizontal bar, at still rings at pilak sa parallel bars at team all-around event upang maging most-bemedaled na atleta sa ikalawang sunod na SEA Games. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.