Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yulo pang-Olympic gold

0 138

Malaki pag-asa ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na maiuuwi ni reigning world men’s floor exercise champion Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo ang unang gold medal ng bansa sapul noong 1924 sa ni-reset sa July 2021 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

SM food to go Banner Ad

Pinahayag ni GAP president Cynthia Carrion-Norton nitong Biyernes na kumpiyansa siya sa tsansa ng 20-anyos, may taas na 4-11 at tubong Maynila niyang atletang si Yulo na may ilang taon na ring nagti-training camp sa lugar ng quadrennial meet sa Tokyo.

“Caloy (Yulo) is really training hard for the Olympics and we are hoping that he could finally end our hunger for the first Olympic gold medal,” sambit ng opisyal kay Yulo, na nagwagi ng dalawang gold at limang silver medal sa 30th Philippine SEA Games 2019. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.