Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Yulo tagilid sa Cambodia

0 121

NAMEMELIGRONG ‘di makalaro si world vault champion at 31st Southeast Asian Games quintuple gold medalist Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo sa malamang alising gymnastics sa 32nd SEA Games sa Cambodia sa Mayo 2023.

Siniwalat ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na kailangang may makakampi si Gymnastics Association of the Philippines prexy Cynthia Carion upang maipaglabang manatili ang sport sa 11-nation, biennial sportsfest.

SM food to go Banner Ad

“Sinabihan ko na si Cynthia na kailangang magtulungan kami para sa lahat ng dapat gawin. Hindi lang mag-isa lang akong lalaban, kailangang magkasama namin ipaglaban na manatili ang event nila,” ani Tolentino Martes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum.

Mga hatid ang talakayan ng San Miguel Corporation, Milo, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, Unilever, at Philippine Amusement and Gaming Corp. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.