Abante Tonite Interactive

Yulo walang kaparis

0 378

Dinale ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo ang ikalawa niyang medalyang ginto Martes nang hapon tapos dominahin ang paboritong floor exercise individual apparatus ng men’s artistics gymnastics sa 30th Southeast Asian Games 2019 Martes nang gabi sa Rizal Memorial Coliseu­m sa Malate, Manila.

Tumipon si Yulo, sariwa pa sa individual all-around gold medal sa 11 nation, 12 day biennial sportsfest na ito, ng 14.700 points mula sa 6.200 iskor sa difficulty at 8.500 sa execution upang maging ikalawang Pinoy na atleta na nakadalawang ginto.

“Masaya po na nakagintong muli po ako,” bulalas ng 19-anyos na gymnast. “Para po ito sa pamil­ya ko at sa lahat na nais mapanood at makita ang katulad kong atleta na makapaglaro sa harap mismo ng mga kababayan natin.”
Tinalo ni Yulo si Surintornta Tikumporn ng Thailand na may 13.833 markers na nagkasya sa pilak at Mat Asri Zul Bahrin ng Malaysia na may 13.767 points para sa tanso.

Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto si Yulo sa pagtatapos ng pommel horse na pinamunuan ni Tan Fu Jie ng Malaysia na may 13.967 pts. Itinala ni Yulo ang 13.233 habang ikatlo si Dinh Phuong Thanh ng Vietnam na may 12.867.
Ikalawa rin top PH gymnastic player sa still rings sa niikom na 13.733 puntos na pinangunahan ni Dang Nam ng Vietnam na may 13.867. Katabla ni Yulo sa iskor na 13.733 si Arifin Dwi ng Indonesia na nasa ikatlong puwesto.

Unang nag-double-gold sa national contigent si wushu artist Agatha Wong. (Lito Oredo)