Abante Tonite Interactive

Yumaong member ng SHINee, kasama pa rin sa Japan concert

By
2,006

SA unang pagkakataon pagkatapos na mamatay si Jonghyun, nagsimula na ang boy group na SHINee sa kanilang “SHINee World The Best 2018-From Now On.”

Ginanap ito sa Japan noong February 17. Sa simula pa lamang ng show, nagpahayag na si Onew na kinakabahan daw ito after a long time na ngayon pa lang silang muli makakapag-perform. Sabi naman ni Key, “We may be lac­king in some aspects, but we will work hard till the end.”

 Mas nag-focus daw sa sunod-sunod na performances ang concert kesa sa mga “talks.” Ilan sa mga inawit nila ay ang Japanese at Korean discographies at “Juliette,” “Diamond Sky,” “Sherlock,” at  “To Your Heart.”

At kahit na apat na lang sila na nagpe-perform sa stage, tila hindi raw mararamdaman na may kulang at wala na nga ang lead vocalist ng SHINee na si Jonghyun. Makikita pa rin daw ito sa video na nasa screen.

Nang i-perform nila ang ballad song na “Love,” hindi nila tinanggal ang part ni Jonghyun kaya lima pa rin silang maririnig na kumakanta. At bago nila ito inawit, nagpahayag muna si Taemin ng,

“This is our new song that all of the SHINee members sang together.”

   Hindi napigilan ng apat na miyembro na sina Key, Onew, Minho at Taemin ang maging emosyonal at lumuha pa rin nang isa-isa silang magsalita na tila pag-alala at pagbibi­gay tribute kay Jonghyun.

Mula nang pumanaw ang huli noong December dahil sa suicide through carbon monoxide poiso­ning, ngayon pa lang nagsalita ang apat sa publiko at nakapag-perform nga.

Ayon kay Taemin, “The memories of my time with Jonghyun are precious to me. He’s like family to me, so I will never forget him and I will always keep him in my heart. From now on, I will try to be a stronger Taemin, and we will try to be a stronger SHINee.”

Sabi naman ni Minho, “To be honest, I was very scared and an­xious about today. But I was able to overcome that because I’m not alone, we’re here with all of you. We hope to keep approaching every stage like all five of us are standing there.”

Dugtong pa niya, “Will you promise us one thing? Please keep your memory of Jonghyun alive forever. I can’t put in words how precious Jonghyun is to us.”

Ang “SHINee World The Best 2018~From Now On” tour sa Japan ay February 17 hanggang 27.