Abante Tonite Interactive

Yumari ng art card wanted kay Kimmy

0 346

Hina-hunting ni Kim Chiu ang taong gumawa ng art card ng classroom statement niya. Nanawagan siya sa kanyang Instagram account pero ipinauna naman niyang hindi siya galit.

“Hi Classmates!!!! Dati diko alam kung anong dapat ko maramdaman pag nakikita ko tong artcard na to.

“Ngayon ang gusto ko sana mahanap ang taong gumawa nito. Di para magalit or kung ano man gusto ko lang magpasalamat! Ginulo niya lalo ang utak ng mga tao in a happy way!!! kaya kung sino ka man na gumawa ng artcard nato sana ma kilala kita!

“Wag kana mag ABSENT sa Classroom. Pakilala kana sakin! Tulad ni adrian and Dj squammy!. .

“Sa classroom may batas bawal lumabas pero labas kana one time lang! artcard artist: ay pede na pala ikaw lumabas!” ang post ni Kim.

Ipinost din ng aktres ang nasabing art card na nag-viral kamakailan. Naglalaman ito ng larawan niya at buong quotation ng sinabi niya regarding “batas sa classroom.”

Matatandaang hinanap din ni Kim si Adrian na nagpadala ng open letter sa kanya and encouraged her to stand up, gayundin si DJ Squammy na naglapat ng tunog sa kanyang classroom statement at nag-viral din. Ang dalawa ay katuwang niya sa paggawa ng full version ng kantang Bawal Lumabas (The Classroom Song) na kare-release lang niya.

Jennylyn, Dennis may online concert

Matapos ang kanilang matagumpay na Co Love Live concert sa New Frontier Theater last February, muling magsasama sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, this time ay sa isang online concert naman.

Sina Jen and Dennis ang featured ngayong gabi, May 21 at 8pm sa Bayanihan Musikahan ni Ryan Cayabyab, a free Facebook Live concert for a cause.

Ang nasabing free FB concert ay isang fundraising event para makatulong sa ating mga kababayang apektado ng COVID-19 pandemic.

Tonite – Wendys Inhouse Ad